ANG LIHIM SA LUMANG BAHAY BOOK 2 CHAPTER 2 “Oo. Naaalala ko na ngayon. Sa aking pagkakatanda sa nakaraan ni Jacko, nakausap niya ang pinuno ng kultong iyon kung kulto nga ang tawag bago siya umalis ng Roma.” “Anong sinabi tito?” “Anim na tao ang pwedeng panggagamitan sa itim na kapangyarihan ng singsing. Naisasalin ito sa tatlong henerasyon. Ibig sabihin tatlong 6. Ito yung sinasabi nilang numerong malas o numero ni Satanas. 666. Anim na tao ang pinanggamitan ni Jacko sa kapangyarihan niya noong buhay pa siya. Pwede pa siyang mabuhay ng dalawang beses. Nagamit niya ang isa sa akin ngunit hindi gano’n katagumpay kasi hindi niya nahanap si Lolo Dreik. Kaya siya nagwawala. Kaya niya pinapatay si Rochelle dahil sa galit niya sa pamilya ni Lolo Roy at isa sa henerasyon mo. Iyon ang nak