Huling Bahagi of BOOK 1 "Tahan na. Please? Makukuha mo na ang hustisiya. Makakamit na ng mga kapatid mo ang matagal na nilang hinahangad na katahimikan. Pero please. Tama na. Huwag kang padadaig sa galit. Napatay mo na sa taga ang dalawa kong tiyuhin. Huwag mo nang dagdagan pa. Nakikiusap ako." Hinawakan ni Rod ang pisngi ko. Tumingin siya sa aking mga mata. "Patawarin mo ako kung nagpanggap ako sa'yong magsasaka. Isa akong NBI Agent” “Alam ko. Sinabi mo na ‘yon kanina at waka kang kasalanan. Tinitigan niya ako habang hinahaplos niya ang aking pisngi. “Sasabihin ko na ang lahat ng totoo. Halos sabay tayong dumating dito nang gabing iyon. Iniwan ko lang sa hotel sa bayan ang aking mga gamit. Nang unang gabi na magkasama tayo, may kababalaghan nang nangyari. Maaga akong umalis kinabukas