Ang Lihim sa Lumang Bahay
(Erotic Thriller/ Horror Novel by: PINAGPALA)
CHAPTER 1
Kitang-kita ko ang lahat. Naroon ako at nanonood lang ako sa kanilang ginagawa. HInahalikan ng isang binata ang isang binatilyo. Mga nasa lima o pitong taon ang agwat ng edad nila. Nakaunan ang binatilyo sa hita ng binata na nakasandal naman sa may balon. Magtatakipsilim na noon. Nasa garden lang din ako ng isang lumang bahay. Nakaupo. Tahimik na pinagmamasdan sila.
Halata namang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Nangangako pa nga ang binata na hinding-hindi niya ito iiwan. Na kahit anong mangyari, magiging sila pa din hanggang sa huli.
“Paano kung malaman ng ate ko o ng mga pinsan mo na may relasyon tayo?” sabi ng binatilyo na di ko maaninag ang mukha.
“Paano nila malalaman kung itatago natin sa kanila?”
“Bakit kailangan nating itago? Di ba mahal mo ako?”
“Mahal nga kita pero ambata pa natin para magseryoso. Saka di ka ba nahihiya? Pareho tayong lalaki. Baka pagchismisan lang tayo.”
“Oo nga no. Pa’no pala ang ate ko? Mahal mo din ba siya?”
“Siyempre hinid, ikaw lang ang mahal ko.”
“E, kung ako ang mahal mo, bakit mo parin siya shinota.”
“Para maitago yung atin. Kailagan kong palabasing lalaki talaga ako.”
“Ganoon ba ‘yon? Naaawa ako sa ate ko. Para kasing niloloko na natin siya.”
“Ikaw, ayaw mo na ba?”
“Gusto kaso nga, iniisip ko din ang ate ko. Baka magalit sa akin ‘yon.”
“Paano nga magagalit ‘yon kung di niya malalaman. Sige na nga, bumangon ka na baka makita lang tayo.”
“Halikan mo muna ako.”
“Eto naman, baka may makakita sa atin.” Pagtanggi ng binata.
“E di dito lang ako.” Pagmamaktol ng binatilyo.
“Sige na. Eto na.”
Nang hinalikan ng binata ang binatilyo ay biglang may dumating na dalawang binata. Nasaksihan nila ang halikang iyon. Nagtatawanan ang mga binatang mukhang kaibigan ng binatang kahalikan ng binatilyo. Mabilis niyang itinulak at sinipa ang binatilyo na para bang nandidiri siya. Ikinabigla iyon ng binatilyo. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang ginawa sa kanya ng binata. Ang binatang kanina lang ay nagsasabing mahal siya.
“Uyy insan, huwag mong sabihing bakla ka!”
“Bakla? Tang-ina ako, bakla?”
“E, bakit kayo naghahalikan?” tanong ng isa pang binata.
“Wala, trip lang. Kayo ba hindi nantitrip?”
“Trip lang daw oh? Yung totoo insan.”
Hinila ng binata ang isang pinsan niya at binulungan.
“Tawaga? Gagawin mo ‘yon?”
“Oo nga tumahimik ka lang.”
“Sige, sabi mo ‘yan ha?”
“Basta hindi na lalabas pa ‘to.”
“Hindi na basta gawan mo ng paraan yang sinasabi mo sa akin.”
“Deal”
Nagising lang kasi ako no’n pansamantala dahil sa lakas ng boses ni Greg pero dahil sa antok na antok ako kaya naman muli akong nakatulog. Iba na yung nakita ko noon. Parang mas nagiging mature na kayo.
“Ano bang nakita mo sa panaginip mo?”
“Ito ba? Kamahalan siya ba ang hinahanap mong mahal mo, itong babaeng ito ba?” tanong ni Tito Eugene kay Tito Diego.
“Hindi siya. Lalaki ang hinahanap ko ga hunghang. Wala kayong kwenta!” singhal ng lalaki. Habang tumatagal ay namumukhaan ko na siya. Siya si Tito Diego ko. Ang dalawang kausap niya ay sina Tito Darwin at Tito Eugene.
“Ano, kung hindi siya ang hinahanap mo kamahalan, amin na lang ito! ”
“Inyo na! Inyong inyo na! Basta pagkatapos ninyong pagsaluhan, hanapin ninyo si Dreik! Kailangan ko ngayon din si Dreik! Naiintindihan ninyo?”
“Walang hiya ka! Ginagamit mo lang kaming magkapatid hayop ka! Sinong Dreik ang sinasabi mo! Ako ang mahal mo! Ako at ang ate ko lang ang kinarelasyon mo!” sigaw ng binatilyo. Sinapak niya agad ang mukha ng Tito Diego.
Hindi napaghandaan ni Tito Diego ang malakas na suntok na iyon ng binatilyo ngunit parang walang nangyari. Hindi man lang ito natinag.
“Kamahalan, tang-ina pumapayag kang sinusuntok lang ng isang hampas-lupa? Aba, kung ako ‘yan mata lang niyan ang walang pasa.”
“Hawakan ninyo ‘yan.”
“Sige. Subukan ninyong saktan ang kapatid ko. Sasaksakin ko kayo!” sigaw ng babae na mabilis na pumagitna. May hawak itong kutsilyo. Umiiyak siya ngunit nasa mukha niya ang pagiging palaban.
“Walang hiya ka! Bakla ka! Pati kapatid ko minamanyak mong hayop ka!” sigaw ng babae kay Tito.
“Bakla ka daw kamahalan. Ano na kakanain na ba naming ito?”
“Tang-ina kamahalan, ganyan ka lang itrato ng kasambahay? Ganyan sila sa’yo? Aba e, magpakaamo ka! Patayin na natin ang mga ito!”
“Sige, lapitan ninyo kami, huwag kayong magkakamaling saktan ang kapatid ko, kaya ko kayong patayin. Hindi ko kayo aatrasan!”
Mabilis na ding kumuha ng dos por dos ang binatilyo. Halatang tutulungan niya ang ate niya kung magkagipitan.
“Sige, simulant nang gahasain ‘yan at ako na ang bahala sa isang ito. Gagawin kong kanang kamay ko. Kilala ko ito. Kilalang-kilala at siya ang gagamitin ko para hanapin ang mahal ko! Siya ang magtuturo sa akin kung nasaan si Dreik” makapangyarihang sigaw ni Tito Diego.
Tumayo ako at pumasok ako sa lumang bahay na parang nanonood lang ako ng pelikula. Naroon ako sa pinangyayarihan ng krimen ngunit hindi nila ako kasama. Dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw, tumayo muna ako at kumuha ng tubig. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Uminom muna ako ng tubig. Bumalik din agad ako dahil gusto kong makita ang ending ng aking pinapanood. Paglabas ko nakita ko na lamang ang babae at ang binatilyo naliligo na sa sarili nilang dugo. Nagtatawanan sina Tito Diego. Sa tindi ng mga sugat ng babae at binatilyo, alam ko nang hindi na sila mabubuhay pa. Ngunit nagulat ako nang biglang bumangon ang binatilyo. Nakita ko ang mukha ko sa tumayong binatilyo. Paano nangyari iyon samantalang alam kong nanonood lang ako. Paanong naging ako ang binatilyong iyon? Pinulot ng binatilyo ang dos por dos saka niya ipinalo sa ulo ng mga pinsan ni Tito Diego. Kahit pinagtataga na siya ng isa pang binata ay hindi ito nagpatinag. Inagaw ng binatilyo ang itak at nakita kong pinagtataga niya si Tito Eugene. Gumagapang palapit sa akin ang babae na akala ko kanina’y patay na.. Nanghihingi sa akin ng tulong. Palapit nang palapit hanggang sa naabutan siya ni Tito Diego at pinatay niya ito. Nilapitan din ni Tito Diego ang binatilyo na karelasyon niya at nagulat ako nang pinagtataga niya ito. Hanggang sa nakita ako ni Tito Diego. Parang nagulat siya. Hindi ko gusto ang tingin niya sa akin. Nakita ko na lang na duguan na din ang aking mga kamay. Bakit parang ako ang pumatay? Lumapit na sa akin si Tito. Ako na ang kanyang isusunod ngunit hindi ako makakilos. Hindi ako makatakbo palayo sa kanya. Nagsisigaw ako pero walang boses na lumalabas sa aking labi. Humihingi ako ng tulong ngunit walang nakaririnig. Hanggang sa hindi na ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Nakangisi si Tito Diego. Hindi ko nakita sa mukha niyang gusto akong paslangin. Parang gusto niya akog yakapin, halikan at pagsamantalahan! Ngunit hindi! Hindi maaring may mangyari sa amin! Tito ko siya! Ngunit kakaiba ag kanyang lakas. Parang may kung anong kapangyarihan ang kanyang mga titig. Nakita ko ang suot niyang kumikinang na singsing. Hanggang sa hindi na lang ako nakakilos pa.
Naalimpungatan ako nang biglang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Hindi ko na nagawang mag-inat pa. Nararamdaman ko kaagad ang kirot ng aking sintido dahil sa hang-over. Lasing na naman akong umuwi kagabi at ginising na naman ako ng paulit-ulit na ka-dramahan. Tinabig ko ang may kabigatang bag na itinapon sa akin at noon ay nakapatong sa hubad kong katawan. Umupo muna ako sa kama at ginamit ko ang puting kumot para itago ang tumitindig ko pang p*********i. Kinusot ko ang aking mga mata saka tumingin ako sa walang humpay na pagbubunganga ng lalaking gumising sa akin. Naka-boxer short lang din siya. Maputi ang makinis at alaga sa gym niyang katawan. Katawan at mukhang katakam-takam sa iba ngunit sa akin, nasanay na ako at kapag nasanay ka nang nakikita iyon, nawawala yung matinding pagkagusto o pagnanasa. Nawawala na ang init ng romansa. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ko inangkin ang katawang iyon.
Medyo hindi ko lang makuha ang kaniyang ipinagpuputak nang umagang iyon. Madalas naman siyang mag-ingay ngunit kakaiba yung galit niya. Mas malalim. Mas may ibang pinupunto siya. Hanggang sa naging malinaw din sa akin ang lahat. Pinalalayas niya ako. Gusto niyang mawala na ako ng tuluyan sa kaniyang buhay.
"Ang ingay naman. Pwede ba tumigil ka na!" bulyaw ko.
"Umalis ka na sa condo ko!"
"Paulit-ulit. Oo na! Antayin mo lang!"
"Ngayon na! Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo rito." ilang beses ko na kasing narinig iyon mula kay Greg, ang aking kinakasama. At dahil sanay na, pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa. Dinampot ko ang aking boxer short sa sahig. Hubo't hubad akong tumayo sa harap niya. Napapangiti ako habang sinusuot ko ang aking boxer short. Dinaanan ko na lang siya ngumangawa at tinungo ang ref para makainom ng malamig na tubig. Sinundan niya ako doon at muling inihagis sa harap ko ang bag na ibinato niya sa akin nang tulog pa ako.
"Ano ba talagang problema mo?" singhal ko.
"Problema ko? Yung kakapalan ng mukha mo! Umalis ka na rito. Sobrang nagiging pabigat ka na sa buhay ko Jeric!" nanggagalaiti siya sa inis.
"Pinalalayas mo na naman ako?"
"Oo! At ngayon sigurado na ako."
"Pagkatapos ano? Magmamakaawa ka uli na babalikan kita. Tama na nga, may almusal ba tayo?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Umalis ka na!"
"Paano ako? Paano tayo?" sinubukan kong pagsusumamo.
"Wala nang tayo Jeric. Said na said na ako na unawain ka. Bumalik ka sa inyo. Hindi ko pinangarap magkaroon ng kinakasamang inutil at walang pangarap sa buhay."
"Ganoon na lang 'yun?" bumunot ako ng malalim na hininga. "May..." pagpapatuloy ko sana nang may lumabas sa CR na nakatapis lang ng tuwalya. Simple ang dating, maganda ang katawan at matangkad.
"Siya ba? Siya ba ang putang-inang ipagpapalit mo sa akin? Kaya ka ba matapang ngayon?" sumisigaw na ako sa galit. Bago kasi sa akin iyon. Oo, madalas niya akong pinapalayas ngunit walang gano'n. Walang ibang lalaking sangkot. Doon na ako kinabahan na tinotoo na niya ang madalas niyang sinasabi sa akin.
"Tang-ina sino ba 'tong mokong na 'to ha Greg! Lalaki mo? Tang-ina naman!" galit na galit na rin ako.
"Pre, huwag ka namang magmura." wika ng lalaki na siyang lalo kong ikinagalit.
"Aba't sumasagot ka pa na para kang may karapatan!" dinuro ko siya. "Ano, Greg, siya ang patitirahin mo at ako ang palalayasin mo?"
"Oo. At least, hindi siya kagaya mo. Nagtatrabaho siya, hindi man kasingguwapo mo, ngunit tang-ina Jeric mas matino siya sa'yo!"
"Mas matino? Pwede naman akong maging matino ah."
"Kailan? Antagal ng ganito, Jeric."
"Bigyan mo lang ako ng kahit konti pang panahon. Sige na, mahal." Pakiusap ko. Wala akong alam kasing pupuntahan pa.
"Ayaw ko na. Itigil na natin 'to."
"Agad-agad? Kumati ka lang palalayasin mo agad ako?
"Ayaw ko na nga! Ngayon, lumabas ka na! Hindi na kita kailangan pa! Hindi ko na kayang tiisin ka pa!" Lumapit siya sa akin at pinagtulakan ako ngunit hindi ako nagpatinag.
"Huwag mo nga akong ipagtulakan! Makakatikim ka sa akin!" Tinabig ko ang kaniyang kamay.
"At ano ha! Sasaktan mo ako?"
"Isa! Tang-ina makakatikim ka talaga sa akin!"
"Ang kapal ng mukha mo! Mahiya ka nga! Kung pinaalis ka na, puwede bang lumayas ka na agad dahil nakikitira ka lang naman sa akin!" Malakas ang pagkakatulak sa akin ni Greg habang sinasabi niya iyon. Nasaktan ako. Napahiya sa ibang taong naroon na pangisi-ngisi pa. Parang noon lang din ako sobrang nasaktan na ipinagtutulakan na niya ako sa kaniyang buhay.
"Tang-ina naman, Greg!" Naubos na talaga ang pasensiya ko.
"Kung di ka aalis, baka gusto mong tatawag pa akong guard para kaladkarin ka palabas sa condo ko! Hayop ka! Ang kapal talaga ng mukha mo" sinampal niya ako.
Ayaw mo ba talagang tumigil!" Isang malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko.
"Gago ka!" sinalat niya ang sinuntok kong panga niya. "Ikaw pa ang may ganang manakit hayop ka! Tang-ina mong inutil ka!" nagwawala na siya.
Ilang beses siyang nagpakawala ng suntok sa aking katawan. Gumanti rin ako ngunit iyon na ang naging hudyat para lumapit ang lalaki at pinagtulungan nila akong dalawa. Nagtagumpay silang itapon ako sa labas ng condo ni Greg kasama ng bag kong naglalaman ng aking mga damit. Basag ang aking mukha, masakit din ang buo kong katawan ngunit ang mas masakit ay ang tuluyan na rin akong isinuko ng taong tanging kinakapitan ko.
Hindi ako agad sumuko. Nakitira muna ako sa barkada ko pansamantala. Umaasa na baka magbago ang desisyon niya. Baka magte-text siya sa akin at pauwiin din ako. Tulad nang mga nakaraang away namin. Ngunit hindi niya iyon ginawa. Naka-ilang text din ako sa kaniya ngunit ni isa wala siyang sinagot.
Sinubukan kong tawagan ngunit nakapatay na ang cellphone niya. May mga pagkakataong pinupuntahan ko siya sa condo niya ngunit hindi na ako pinapapasok ng guard. Ang hirap. Noon ko naramdaman yung sakit na ipagpalit. May mga araw na hinihintay ko siya lumabas at nang masaktuhan ko ay kasama parin niya ang lalaking ipinagpalit sa akin. Papasok sila ng trabaho.
"Greg naman, mahal. Usap muna tayo." Pagmamakaawa ko. Hindi ako sanay sa gano'n ngunit nilunok ko ang pride ko.
"Ano ba, Jeric, tapos na tapos na tayo."
"Dahil ba diyan? Bago lang kayo. Tayo, limang taon na. isusuko mo ako ng gano'n lang?"
"Sana nga mas pinaaga ko pa. Kasi alam mo, mas masaya ako ngayon. Mas tahimik ang buhay dahil ang pinili kong ipalit sa'yo may silbi."
"Sakit mo naman magsalita." Bumalong ang luha ko.
"Di ba totoo? Tignan mo nga ang sarili mo? Pati nga yata mag-ahit hindi mo pa magawa. Magbago ka na."
"Eto nga oh, nagbabago na para sa'yo."
Bumunot siya ng malalim na hininga. Tinignan niya ako sa mata. Seryosong-seryoso siya. " Magbago ka para sa sarili mo. Hindi na kita mahal. Hindi na kita mamahalin pa. Move on. May sarili na akong buhay ngayon at sana huling pagkikita na natin ito."
Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Tagos sa puso. Para akong sinaksak.
Batid ko, nang araw na iyon. Kailangan ko na siyang isuko. Kailangan ko nang lumayo habang may naiiwan pa akong pride para sa aking sarili. Tuluyan na nga niya akong tinalikuran at ipinagpalit. Nangako siya e. Naniniwala ako na hindi siya bibitiw sa aming dalawa. Noon iyon, noong matino pa ako. Noong hindi pa ako nababarkada. Noong bago palang kami at mainit pa ang bawat romansa. At kahit masakit, kailangan ko na lang tanggapin. Lumayo baka sakaling hanapin niya yung dating ako. Wala na akong mapupuntahan pang iba. Hindi ako puwedeng makipisan sa mga barkada ka. Dyahe yun.
"Yung mga bababa diyan ng Roxas, dito na ho ang babaan natin!" ang malakas na sigaw ng kundoktor ang siyang gumising sa aking pagninilay-nilay tungkol sa amin ni Greg.
Binuhat ko ang dala kong bag at nagmamadali akong bumaba. Sinipat ko ang pambisig kong orasan, paniguradong aabutin na ako ng dapit-hapon bago makarating sa aking destinasyon. Nagtanung-tanong ako kung saan ang paradahan ng traysikel. Nang marating ko ito, kaagad akong sumakay. Nang sinabi ko kung saan ako pahahatid ay nagdalawang isip ang driver ngunit nang sinabi kong triplehin ko ang bayad ay hindi na siya umangal pa. Hinanap ko ang aking pitaka sa aking bag para mas madali kong maiabot mamaya ang pamasahe ko. Habang binabaybay na namin ang daan patungo sa kung saan ako lumaki ay pinagmasdan ko ang aming dinadaanan. Luntian ang mga dahon ng palay sa malawak na bukirin sa magkabilang bahagi ng daan. Malamig ang dampi ng preskong hangin sa aking mukha. Amoy ng kasariwaan ng paligid. Nang mahugot ko ang pitaka ko ay binuksan ko iyon. Picture naming dalawa ni Greg ang una kong nakita. Humugot ako ng malalim na hininga.
Limang taon. Limang taon na rin pala kami, dapat. Kung sana naging matino lang ako. Paano nga ba kami nagkakilala? Paanong nagsimula ang limang taon naming pagsasama?
Ini-add ako ni Greg sa f*******: noon. Matagal nga bago ko kinonfirm ang kaniyang friend request. Kasi naman, akala ko poser lang siya. Bihira kasi sa guwapo ang mag-add. Kadalasan, sila yung ini-a-add. Dahil guwapo, asahan mong dededmahin nila ang friend request mo o kaya madalas full account na at follower ka na lang. Di naman sa pagbubuhat sa sarili kong bangko, mestisuhin din naman ako, matangos ang ilong, likas na mapupula ang tamang kapal lang na aking labi at may makapal akong kilay na binagayan ng nangungusap kong mga mata. Kung kinis lang din ng kutis, hindi ako pahuhuli. Hindi kami magkakalayo ng hitsura ni Greg. Iyon ang dahilan kung bakit niya nakuha ang atensiyon ko sa f*******: noon.
Dahil wala akong magawa noon at panay ang message niya ng "Hi", "Kumusta", "Care to meet" at kung anu-ano pang pangungulit ay sinubukan kong i-view ang profile niyang nakapublic. Mukhang hindi nga poser. Marami kasi siyang mga kamag-anak at kaibigan na nagkokoment sa mga status niya at pictures. Pagkatapos kong sagutin, ang "Kumusta" na message niya ng "Ayos lang." Doon na nagsimula ang mas malalim na usapan.
"Kita tayo?" chat ko isang araw na wala akong magawa.
"Sure." Mabilis niyang sagot.
"Gutom ako e." pasimple kong sagot. Ako ang nag-aya ngunit gusto kong siya ang magsabi ng lugar kung saan kami magkikita. Baka nga naman mailibre.
"Maarte ka ba?" mukhang malayo yata ang tanong niya sa sinabi ko.
"Hindi naman, bakit?"
"Okey lang sa'yo kahit fastfood."
"Libre mo?"
"Sure, tara?"
"Sige. Tara." Napangiti ako. Kumagat ang plano.
Sa isang fastfood malapit sa tinitirhan ko kami unang nagkita. Habang kumakain lalo kaming nagkapalagayan ng loob. Madalas napapatitig ako sa kaniya at nahuhuli kong ganoon din siya sa akin. Noon palang, ramdam ko na na nagkakagustuhan kami. Nagpapakiramdaman kung saan mauuwi ang aming first encounter. Ako naman, laging handa. Kung saan ang agos at kung trip ako ng trip ko, di ako mahirap kausapin. Mapagbigay ako sa mga gusto ko lang din. Kung di ko trip, kahit pa anong pakiusap o papansin sa akin, hindi ako bibigay. Ayaw ko ng halatang bakla. Pumapatol lang ako sa katulad kong paminta at hindi nalalayo sa aking hitsura. Hindi ko gustong nadedehado ako. Mayabang na kung mayabang, maarte na kung iyon ang gustong isipin ng iba sa akin pero nagpapakatotoo lang ako. Ayaw ko ng ladlad, ayaw ko ng hindi kaaya-aya ang mukha o katawan. Gusto ko, ka-level ko rin lang. Doon magkakasundo tayo. Paliligayahin kita sa tindi ng aking romansa.
"Busy ka?" tanong ko.
"Bakit tol, may gusto ka bang gagawin pagkatapos ne'to?" balik tanong niya.
"Ikaw ba?" sanay ako. Kapag sinabi kong ikaw ba, ibig sabihin ko no'n, kahit saan mo ako dalhin okey na ako sa'yo.
"Sure ka, kahit anong gusto ko, gusto mo na din?" nakangiti siya ngunit hindi siya makatingin sa akin. Mukhang di pa gano'n kasanay.
"Sa'n ba? Short time?" kinindatan ko. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng init sa katawan. Ini-imagine ko na kasi kung paano ko siya kakanain.
"Tara?" nakangiti niyang pag-aya.
Nauwi sa short time sa isang sikat at murang hotel na nagsisimula sa letter "S" ang aming unang pagkikita ni Greg. Hindi pa ganoon kahusay si Greg sa kama noon. Ako, bihasa na din sa dami ng karanasan. Naalala ko pa ngang napapaluha siya sa sarap nang igiling-igiling ko ang aking katawan. Napapamura siya at napapakagat sa akin kung dumadaan ang aking dila sa makinis niyang likod at puwitan. At sa tuwing iindayog ako para pasukin siya, alam kong ang kaniyang malakas na ungol ang nagpapatunay na expert ako sa pagpapaligaya ng kabaro ko. Doon ako hindi makalimutan o mabitiwan ng kahit sinong makakatikiman ko. Kung galing lang din naman sa kama, iba ako. Mayabang ba ang dating? Pero iyon ako. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Bumunot ako ng malalim na hininga. Muli kong pinagmasdan ang paligid.
"Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver ng traysikel.
"Malayo-layo pa po. Pero sir, hindi ba kayo natatakot do'n?" tanong niiya.
"Bakit po?" balik tanong ko.
"May mga sabi-sabi lang po kasi sir."
"Ano hong sabi-sabi?"
"Ewan ko ho kasi kung totoo, pero sabi pinamumugaran daw ang bahay na iyon ng mga di mapakaling kaluluwa.
"Seryoso kayo, kuya?"
"Ano ho ba kasing sadya niyo do'n sa ganitong oras ho sir?"
"Bahay naming yun kuya."
"Ah, sorry ho."
"Nagpapaniwala kayo sa multo. Saka di ba nakakainsulto din na sabihin ninyong pinamumugaran ng kaluluwa ang bahay na kinalakhan ko? Kaya wala tayong asenso dahil sa mga paniniwalang ganyan" halatang napikon ako.
Umiling siya. Kinutuban pa din ako ng hindi maganda. Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Kuya? Anong kailangan kong katakutan sa lumang bahay namin?