CHAPTER 4 Nakita ko si Rod na dumating. Kumakaway siya sa akin. May nakita akong nakasakay sa back seat. Hindi ko mamukhaan kung sino dahil may pagkatinted ang sasakyan. Siguro may isinabay siya, naisip ko. Nang nakalapit na ako at tinignan ko ang nasa passenger seat kanina ay wala na. Nagtaka na ako. “Sorry, matagal ka bang naghintay?” tanong niya. “Hindi naman, kakababa ko lang. Mahal, sino yung nasa back seat kanina?” “Back seat?” lumingon siya. “May nakita kasi akong nakaupo kanina sa likod. Akala ko may kasama ka. Pero nang sumakay ako, bigla nalang din nawala.” “E, sino? Ako lang naman ang nandito?” tinignan niya ako. “Ano hitsura.” “Hindi ko gaano namukhaan kasi nga tinted itong SUV ni tito pero alam ko, parang kahawig mo siya.” “Hindi kaya si Kuya? Pero di ba, alam naman n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books