Chantria “Chantria…” Dinig ko ang malumanay at pagod na boses ni dad sa likod ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin inalis ang tingin kay Chanel. Why isn’t she waking up? May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? May malalim ba siyang natamo dahil sa nangyari at hindi lang sinasabi ni dad? “You need to eat or drink something. You’ll drain yourself.” Imbis na harapin at sagutin siya, I said, “Bakit hindi pa rin gumigising si Chanel, Dad? She needs to wake up. Kakain lang ako kapag nakita kong kumakain na rin siya. I won’t be able to swallow the food, thinking that Chanel hasn’t eaten anything yet. I won’t forgive myself if anything happens to her too because of me.” Narinig ko ang pagbuntonghininga niya bago nilapag ang tray na naglalaman ng pagkain sa side table ng kama ko. Ni h