Chantria Sa buong byahe, sinubukan kong matulog. Pero sa tuwing pipikit ako ay mas lalo lang dumarami ang mga bagay na naiisip ko. Masyado lang dumarami ang gumugulo sa isip ko. Kaya naman pinasak ko ang earphones ko sa tainga at nakinig na lamang ng tugtugin. Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana habang nakasakay sa eroplano. Halos fifteen hours din ang magiging byahe ko kaya naman inabala ko ang sarili sa pakikinig ng musika, sa pagbabasa at paglalaro sa phone. Halos buong byahe yatang natutulog itong katabi ko. I can’t help but feel envious. Sana all na lang nakakatulog talaga. Magmula noong insidente ay wala pa akong matinong tulog. When I looked in the mirror, there were eyebags underneath my eyes. Pero imbis na pansinin iyon ay para bang wala na lang sa ‘kin. Ako rin naman ang