Chantria
"Happy Eighteenth birthday!"
Kasabay ng malakas nilang pagbati ay ang pagtama ng mga wine glass namin sa isa't isa. Nagitla rin ako dahil sa malakas na putok galing sa party poopers sa likod namin pero tinawanan ko na lang.
Para tuloy kaming nagce-celebrate ng New Year, hindi ng birthday namin. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming magkaroon ng ganito kagarbong party kung pwede namang normal na lang. Kami lang ang mahihirapang magligpit nito pagkatapos.
Hindi ako mahilig sa wine pero tinaas ko pa rin ang hawak ko bago iyon tinungga kasabay nila. Miski si Carleigh ay hindi rin mahilig. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabi ko na para bang bored na bored sa buhay. Pero dahil ito ang araw kung kailan nasa legal na edad na kami, hinayaan na namin ang mga sarili na uminom.
Wala namang masama sa ginagawa namin. Kahit na menor de edad pa lang ay umiinom na talaga si Chanel. Wala namang makapipigil sa kaniya. Limitado nga lang dahil sa loob lang siya ng bahay nakakainom.
Kasalukuyan na niyang iniinom ang pang-apat niyang baso kumpara sa 'min ni Carleigh na nakakaisa pa lang. Panglima na nga yata niya. Hindi ko na nabilang sa sobrang dami.
Napangiwi na lang ako nang tumama ang wine sa dila ko. Amoy strawberry siya pero lasang medyas na sinawsaw sa suka. Nagulat pa nga ako dahil hindi ako nagsuka. Hindi ko alam kung paano naiinom ni Chanel ang ganito gabi-gabi. It tastes like sh-t.
Itong si Carleigh naman ay hindi ko alam kung gusto ba 'yong wine o napipilitan lang din uminom. Her face is just neutral, like the usual, unchanging, and unbothered. Pinapanalangin ko na lang na maging gaya niya ako sa mga ganitong sitwasyon. Iyong tipong parang walang makatitibag sa 'kin.
Mas gusto ko lang talaga madalas ng grape juice o kaya naman ng apple juice. Kahit avocado pa 'yan o durian.
Naupo ako sa isang bakanteng couch habang pinapanood si Chanel na makipaghuntahan sa mga kaibigan niya. Halos puro kaibigan niya naman ang nandito at si Jackson lang ang inimbitahan ko na kanina pa nakaalis.
Itong si Carleigh naman ay ni isa walang pinapunta. Miski sana ang judo instructor niya ay pinakain niya man lang. Feeling ko talaga ay napilitan lang siya na pumunta rito.
"Hey!" sigaw ni Chanel sa 'min na halatang-halatang lasing na at hindi na makalakad nang maayos. Wala na rin sa focus ang tingin niya. Kung hindi dahil sa mga kaibigan niya na hawak siya sa braso ay baka kanina pa siya ngumudngod sa sahig.
Pare-pareho silang magkakaibigan. Ang ilan nga sa kanila ay nakangudngod na sa lababo at nilalabas na ang lahat ng kinain. Mabuti na lang at walang nagkalat sa marble tiles namin dahil paniguradong lagot kami kay dad.
Natawa ako lalo habang pinanonood sila. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagsimula siyang video-han sa pinaggagawa niya. This is going to be fun, especially when I post this on my social media account later. Isipin ko pa lang ang magiging reaksyon ni Chanel ay napapahagikgik na ako agad.
It's payback time!
"How is your birthday going?" tanong ko habang pinopokus ang camera sa kaniya. Kinailangan ko ring lakasan ang boses ko dahil sa rock song na tumutugtog sa background. Walang masyadong bahay malapit sa 'min kaya malakas ang loob naming mag-ingay.
She smiled widely in front of the camera. Her smudged lipstick makes me giggle more. Paniguradong nakipag-make out na naman siya sa jowa niya kanina habang hindi namin nakikita. Kahit sino ang makakita sa video ay paniguradong iyon din ang iisipin. Lagi ko na siyang sinasabihan na bumili ng waterproof na lipstick, or anti-smudge, o kung ano man ang tawag sa mga koloreteng 'yon.
"It's superb! This is, like, the best birthday of my life. Ever!"
Tumatawa na rin ang mga kaibigan niya sa kaniyang tabi pagkatapos ay biglang nagsigawan. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil sa sobrang kalasingan.
Laughing, I said, "You always say that every year on our birthdays. Wala ka na bang ibang gustong sabihin? Something more fun?"
Napaisip siya saglit sa tanong ko habang nakatingin sa kisame. Nang may maalala ay bigla siyang napangisi at natawa nang malakas. "Ben and I broke up a while ago after we made out! He is a good kisser, you know."
Napahagikgik pa siya at napakakagat sa labi na para bang ini-imagine ang isang bagay na ayoko na lang alamin.
"Then, why did you break up with him if he's a good kisser?"
Muli na naman siyang natawa na parang baliw. "Because his d-ck is so small!"
There were a series of ooh! in the crowd after what she said. Ang iba ay napahiyaw na lang habang ako naman ay tawa na nang tawa. Hindi na tuloy steady ang pagkuha ko ng video sa kaniya.
This is so much fun!
Akala ko ay tapos na siyang magsalita pero ang sunod niyang sinabi ang nagpasakit na talaga ng tiyan ko katatawa.
"Ghad, Chantria, it's so small that I can't reach my climax whenever we have s-x. It feels better when I finger myself. What am I supposed to do? Girl needs a bigger d-ck!"
Nag-cheer ang lahat ng mga kaibigan niya dahil doon. Mukhang na-eenjoy nila ang show gaya ko. Paniguradong hihilahin ni Chanel ang lahat ng buhok ko kapag nag-post na ako mamaya sa account ko. But who cares? Might as well enjoy it right now.
Mukhang wala na rito ang boyfriend niya dahil hindi ko na nakikita sa paligid. Baka umalis na kanina nang makipag-break itong si Chanel. She can be harsh sometimes. Well, okay, all the time. But that's what makes her extraordinary. Hindi siya takot sabihin sa lahat kung ano ang nasa isip niya.
The only downside is that because of it, she doesn't only make friends, but enemies as well. Anyway, wala naman akong pakialam. I love my sister no matter how evil or how saintly they are.
"Hey, stop it! Tama na 'yan." Okay, here comes the saintly sister. None other than Carleigh. "Everyone, go home! The party is over," sigaw niya sa mga bisita gamit ang ma-autoridad niyang boses.
I admit, she isn't really a saint when she shouts. It's like a banshee screaming. Madalas ay nakapangingilabot talaga.
Nang marinig nila ang boses ni Carleigh ay automatikong napahinto ang lahat sa pagtatawanan at pag-inom. Wala ni isa sa kanila ang tumutol at wala ring kahit anong bakas ng pagtutol kahit na sinasabi ni Chanel na hindi pa tapos ang party. Tinago ko na rin ang phone ko sa loob ng bulsa ko, takot na makita iyon ni Carleigh.
"There's still the next destination, guys. I still reserved the bar for our next stop!" Hinawakan pa ni Chanel ang braso ng isa sa mga kaibigan niya para pigilan siya. Ngunit nang makita ang tingin ni Carleigh at tumalikod na ito at umalis.
"Guys!" Napanguso na lang si Chanel.
In the end, wala siyang napag-stay. I can't really blame them. Sobrang nakakatakot talaga madalas ang kapatid naming 'to. Miski ako na panganay ay tumitiklop.
Naiwan kaming tatlo sa napakalaki naming living room na mayroong mga nagkalat na bote at kalat na kailangang linisin.
This is what I hate the most after parties–the cleaning.
"Let's wash you up and go to bed," ani Carleigh kay Chanel. Hinawakan niya nang mabuti si Chanel sa pagitan ng mga braso niya bago iginaya sa loob ng banyo.
"Okay," Chanel shouts, "the three of us will continue the party. Yay!"
Mas lalo lang akong napailing sa kaniya bago nagsimulang maglinis ng mga kalat namin dahil wala naman kaming katulong.
Growing up, this was one of the things our mother taught us. Hindi kami gumagastos ng pera sa mga bagay na kaya naman naming gawin nang kami lang. Hindi namin ginagawang sentro ng buhay namin ang pera.
And I have to admit, it kind of feels fulfilling on my part na malamang kaya naming alagaan ang mga sarili namin nang hindi umaasa sa kahit ano.
I started cleaning our couch. Our house was modern Victorian style. I had to admit that it was quite big for the three of us, but this was one of the things that dad gave us.
Hindi kami maluho. Alam naming ang limitasyon namin when it comes to buying stuffs. Pero paminsan-minsan ay binibigyan kami ni dad ng reward kapag may na-aachieve kami.
On our elementary graduation, the three of us were on the list of students with high honors. Si Carleigh, na siyang ikalawa sa 'ming triplets, ang c*m laude ng batch namin. Kahit na nasa high honors lang kami ni Chanel ay malaking bagay pa rin 'yon para sa 'min dahil sobrang competitive sa internation school na pinasukan namin.
That's why we have this house. Ito ang kauna-unahang regalo sa 'min ni dad na alam kong umabot ng milyon-milyon. And this is probably the last one. Matapos kasi nito ay mga naging bulakbol na kami, especially Chanel.
We didn't mean to. Pero siguro ay dahil na rin sa pressure na nilagay sa 'min ni dad kaya kami nagkaganito. Tanging si Carleigh lang ang nanatili sa high honors dahil halimaw ang isang 'yon.
She can f-cking ace an exam without studying. Eh 'di, sana all.