bc

Save The Best For Last

book_age16+
1.3K
FOLLOW
6.8K
READ
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

[MATURED CONTENT] Rated SPG. Read at your own risk.

It was like a disgusting nightmare when Zionne chose to lived with Howard even if they not getting married. At first, being a live in partner was not easy for Zionne. For her, the hug and kiss was not enough to grow the love that could handling for. Subalit, paano nga kaya susubukin ng pagkakataon ang kanilang pagsasama ni Howard kung ang bawat paghihirap at pagtitiis na kaniyang nararanasan ay nagiging dahilan para mas lalo pang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan? In order that Howard would become comfortable that Zionne's never give up on him. Hanggang saan nga kaya siya lalaban kung siya na lang ang lumalaban?

Ngunit, sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot ng unang pag-ibig, ay naroon pa rin si Paul at handa siyang mahalin. Could she save the best for last?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SA MURANG edad ay natuto nang maghanap buhay si Zionne. Lumaki kasi siyang independent. Maagang nawalay sa mga magulang at dalawang nakababatang kapatid sa probinsya kaya napagdesisyunang magtrabaho sa Maynila. Una siyang namasukan bilang katulong sa edad na labing-anim. Pero dahil sa hindi sapat ang kaniyang kinikita para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa probinsya ay nagdesisyon siyang maghanap ng trabahong magiging sapat ang suweldo. Sa edad na desi-otso ay nag-apply siya bilang isang saleslady sa isang mall kung saan ay sapat ang suweldo para pagkasyahin ang budget niya at maging sa kaniyang pamilya. "O, Zionne, hindi ka pa magbi-break?" ani Jennie na kapwa niya sales lady. "Tatapusin ko lang 'to, saglit na lang naman 'to, e," wika niya habang nagtutupi ng mga damit. "Ah.. gusto mo bang sumabay sa amin? Kakain kami roon sa may bagong bukas na karinderya," masayang sabi pa nito. Napa-iling naman siya sa sinabi nito. "Ah, hindi na. Sa canteen na lang ako.. may baon ako, e," sagot pa niya. "Ganoon ba? Hindi ka pa kasi namin nakakasamang kumain sa labas, e.. masyado ka naman kasing nagtitipid," pahapyaw na pang-iinsulto pa nito. Doon siya napalingon dito. "Hindi biro ang kinikitang pera para gumastos lang nang gumastos," sagot niya na ikinailing nito. Hindi na niya ito binalikan pa ng tingin matapos sabihin iyon basta'y ang huli niya lang nasulyapan ay ang napapangising pag-iling nito. Sanay naman na siya roon, kaya siguro wala siyang kaibigan sa trabaho dahil na rin sa hindi niya kayang makipagsabayan sa trip ng mga ito. Pero hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay biglang magbabago ang nakasanayan niya nang makilala si Howard na isang stock man mula sa ibang department. Paminsan-minsan kasi ay si Zionne ang nagpupunta sa may stock room upang mag-replenish ng mga idi-display na mga damit sa kaniyang area. "Uy, Zionne! Sama ka mamaya, ah?" pang-aaya ni Paul na isa sa mga stock man nila. "Bakit? Anong mayroon?" "Birthday celebration ko, ano ka ba, kinalimutan mo na!" napapangiwing sabi pa nito. "Isa pa, hindi p'wedeng hindi ka pupunta.. lahat ng babae sa department natin ay pupunta, e. Kaya hindi ko tatanggapin ang pagtanggi mo." Isa si Paul sa madalas niyang nakakausap kung kaya't hindi maitatangging malapit na rin sila sa isa't isa. Para kay Zionne ay mas komportable siyang maging kaibigan ang isang lalaki kaysa sa babae. Napangiwi siya. "Tatanggi pa ba ako? E, baka magtampo ang kaibigan ko, e," aniya na ikinalapad ng ngiti ng binata. "So paano? Sabay-sabay na lang kayo pumunta mamaya ng mga girls, ah? Ihahanda ko pa kasi ang venue," anito. "Teka, saan ba? Saka hindi ako p'wedeng magtagal, a? Alam mo naman.. malayo ang bahay ko." Napangiti ito sa kaniya. "Ano ka ba, walang problema, 'no, basta pumunta ka." Nagkangitian silang dalawa bago pa man may dumating na ilang customers kaya naman nagpasya silang maghiwalay na muna. - Sumapit ang uwian at magkakasabay na sumakay ng jeep ang mga babae sa department nila, at dahil wala siya masyadong ka-close ay kay Jennie na lang siya tumabi sa upuan. "O, Zionne, himala at sumama ka," puna pa nito sa kaniya. "Ah.. kailangan, e.. baka kasi magtampo si Paul." At bigla naman sumabat si Ella na katabi ni Jennie. "Asus! Baka hindi mo lang talaga siya matiis." "Hindi sa ganoon, 'no, kaibigan ko si Paul kaya normal lang na hindi ko tanggihan ang imbitasyon niya," seryosong wika niya. "Pero sa amin ay hindi ka sumasama ganoon?" ani Jennie. Hindi na lang sumagot si Zionne dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Kung ikukumpara siya sa mga ito ay napakasimple lamang niya, kung p'wede nga lang na hindi mag-make up sa kanilang trabaho ay hindi na siya mag-e-effort na magpaganda. Maganda naman kasi si Zionne at mas lalo pa iyong tumitingkad dahil sa maputi niyang balat, may balingkinitan siyang katawan at saktong taas para sa isang babae. Maitim at mahaba ang kaniyang buhok kaya naman hindi maitatangging marami ang humahanga sa kaniya. Nang makarating sila sa venue kung saan ay sa isang club house sa Makati ay hindi maiwasan makaramdam si Zionne ng pangamba. First time niya kasing makapapasok doon samantalang ang iba niyang mga kasama katulad ni Jennie ay ilang beses na. Kahit naman kasi ilang taon na rin siya sa Maynila ay hindi niya naranasan ang gumimik. Maya-maya pa'y dumating na rin si Paul, ang birthday celebrant at napuna niya na may mga kasama ito. "Nandiyan na pala si Paul, e!" Narinig pa niyang wika ni Ella. Siniko naman siya ni Jennie na katabi niya pa rin. "Uy, Zionne, iinom ka ba?" Nagtaka siya sa itinanong nito. Hindi niya inaasahang may inuman, akala niya kasi ay kaunting salu-salo ang magaganap. "H-hindi ako umiinom.." Kaya agad naman nitong tinawag si Paul habang masayang ipinapakilala ang mga kasama nito sa iba pa nilang kasama. Walo silang babaeng sumama mula sa kanilang department, bukod pa ang ilang lalaki na stock man din. "Teka, Paul, hindi pala umiinom itong si Zionne, e!" wika ni Jennie dahilan para mabaling kay Zionne ang tingin ng lahat. Pero bago pa man lumapit si Paul sa direksyon nila ay nakita pa ni Jennie na may ibinulong ang katabi nitong si Howard. "Hindi ka talaga iinom kahit kaunti lang?" tanong ni Paul kay Zionne nang makalapit siya rito. Mabilis na napatango ang dalaga. "Try mo lang, birthday ko naman, e." Hindi pa rin pumapayag si Zionne kaya naman tumabi ito sa kinauupuan niya kung saan ay nagbigay ng distansya si Jennie. "Sige, ganito na lang. Nagpa-reserve naman na ako ng pagkain, e. Kakain na muna saka iinom, please lang.. uminom ka ka kahit kaunti.." anito at kahit hindi pa rin sang-ayon ang dalaga ay napatango na lang ito. Nang matapos magsalu-salo sa pagkain ay inihanda na ni Paul ang alak at cheaser sa may lamesa. Sa mahabang parihaba na lamesa na 'yon ay katabi pa rin ni Zionne si Jennie sa bandang kaliwa nito at si Paul sa bandang kanan. Sa tabi naman ni Paul ay si Howard na kaibigan nitong stock man din mula sa ibang department. Katabi naman ni Howard ang iba pa nilang mga kasama na sina Jerry at Cedrick. Sa side naman ni Jennie ay katabi niya sina Ella, Michie, Ruzelle, Sam, Patrice at Angel. Habang sa tabi naman ni Angel ang dalawa pa nilang stock man na lalaki mula sa kanilang department na sina Migz at Nikko. Habang umiikot ang tagay ay hindi maiwasang kabahan ni Zionne, wala siyang ideya sa lasa ng anak basta ang alam niya lang ay may taglay na pait ito. Sa kabila no'n ay pasimple pa rin may kung anong ibinubulong si Howard kay Paul na parang ayaw namang sang-ayunan ng binata. Gusto kasi nitong magpalit sila ng puwesto para makatabi si Zionne, sa unang kita niya pa lang kasi sa dalaga ay nagandahan na siya. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay nabasag iyon ng katahimikan nang sandaling kay Zionne na ang tagay. "Go, Zionne! Kaya mo 'yan!" sabi pa ni Ella. Pilit na napapapikit si Zionne habang hinihintay na dumampi sa kanyang labi ang alak at nang sandaling malasahan na niya ito ay parang gusto niya iyong isuka kaya agad naman na inalalayan siya ni Paul para maiabot ang baso na may lamang cheaser. "Sabi ko sa'yo ayaw kong uminom, e," paninisi pa ni Zionne sa kaibigan. Magsasalita na sana si Paul subalit naunahan siya ni Howard. "Zionne, masasanay ka rin sa lasa niyan," anito na mukhang nagpapa-cute pa sa dalaga. At maya-maya pa'y parang hindi na nagustuhan ni Paul ang sumunod na nangyayari habang ang iba nilang mga kasama ay may kaniya-kaniyang pag-uusap. Mabilis na inilahad ni Howard ang kaniyang palad kay Zionne. "Howard nga pala." Nagtataka man ang reaksyon sa mukha ni Zionne ay nagawa niya pa rin tanggapin ang palad nito. "Tama na 'yan, shot ko na," pagputol ni Paul sa moment na iyon. Kaya naman mabilis na naghiwalay ang palad ng dalawa. Hindi mawari ni Zionne kung ano ba ang spark na kaniyang naramdaman nang sandaling maglapat ang palad nilang dalawa ni Howard pero sa halip na bigyan iyon ng kahulugan ay ipinagwalang bahala niya na lamang iyon. Nasundan pa ang tagay sa kaniya hanggang sa makaramdam na siya ng hilo. Agad naman na nag-alala sa kaniya si Paul. "Tama na ang pag-shot mo, a.. mukhang hindi mo na kaya, e." Napatango naman siya sa sinabi ng kaibigan at habang nagkakasayahan ang lahat ay hindi maiwasang libangin ni Zionne ang sarili sa kaniyang cellphone. Nang sandaling iyon ay nagpunta ng banyo si Paul kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon si Howard para mapormahan ang dalaga. Naagaw ang atensyon ni Zionne nang may sumulpot na isa pang cellphone sa kaniyang harapan kaya sandali siyang natigilan upang lingunin kung kanino iyon. Nakangiti pa itong bumungad sa kaniya. "Number mo, Zionne, p'wedeng mahingi? Pati sss mo na rin," anito na ipinagtaka niya. Masyadong mabilis ang pagporma nito na hindi niya binibigyan ng kung anong kahulugan. Nang matapos na siyang magtipa, "Salamat," pagpapasalamat nito. At para itong nanalo sa lotto nang makuha ang number at sss niya. Hindi namalayan ni Zionne na habang lumilipas ang bawat minuto ay mas kinikilala pa siya ni Howard dahil sa pagkausap nito sa kaniya. Pero sandali iyong naputol nang bumalik si Paul. "Zionne," pagtawag nito sa kaniya. Takang lumingon si Zionne sa kaibigan at agad na dumistansya si Howard kaya nagkatabi silang muli sa upuan. "Ihahatid na kita pauwi." "Pero teka, nag-uusap pa kami ni Zionne, e," mabilis na pagpigil ni Howard. "Hindi na kaya ni Zionne ang umuwi mag-isa at malayo pa ang bahay niya kaya ihahatid ko na siya tinaasan ni'yo kasi 'yong tagay, e," sagot nito habang nakatingin kay Ruzzell na kanilang tanggera. "Sorry naman, hindi ko naman akalaing mahina 'yan sa inuman, e," natatawang sabi pa nito na ikinatawa ng ilan. "Teka, iiwan mo kami rito?" tanong ni Jennie. "Babalik ako siyempre, gusto ko lang makasiguro na safe si Zionne na makauwi," sabi pa niya. "Hindi na, Paul, kaya ko naman, e. Hindi naman matindi ang pagkahilo ko," wika ni Zionne na hindi maiwasang marinig ng lahat. "Ihahatid kita, halika na." Sabay inakay ang dalaga papalabas doon at naghintay nang masasakyang FX. Habang nasa biyahe ay hindi maiwasang mag-alala ni Paul para sa kaibigan, lalo na nang makita niya sa mga mata ni Howard kung gaano nito ka-type si Zionne. Hindi naman sa ayaw niyang magka-love life ang kaibigan, wala lang talaga siyang tiwala kay Howard dahil sa pagiging babaero nito. Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe mula Makati ay nakauwi na rin si Zionne sa tinutuluyan niyang apartment sa Pasig. Lulan nang pag-alala ay nagawang mag-stay na muna ng kahit sandali si Paul sa apartment habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagkakatulog nito. Pero sandaling naagaw ang atensyon niya nang marinig na tumunog ang cellphone ni Zionne at nakita niya ang isang text mula sa isang unknown number. Sa text pa lang ay nagpakilala na itong si Howard kung kaya't nakaramdam siya ng pangamba-- pangamba na baka maunahan siya nito sa puso ni Zionne.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook