SIMULA

1052 Words
HIS SECRET WIFE ANG SIMULA "Graduate na tayo mahal!" pumailanlang ang sigaw ni Katrina sa malaking ground ng university na pareho nilang pinapasukan ni Lexter--- sa isang sikat na unibersidad sa Bicol. "Graduate na tayo mahal," masayang ulit ng binata sa sinabi ng kasintahan, kasabay ang pagyakap ng mahigpit sa dalaga. "Heto na ang simula ng lahat, Lexter, ang simula ng katuparan ng pangarap natin." Ngumiti ang binata kay Katrina. Ginawaran siya nito ng pinong halik sa kamay nito. "Malapit na magiging, Mrs. Katrina Samaniego ka na, Mahal," tugon ni Lexter, pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata niya. "Sa harap ng mga tao dito sa toga at diploma natin pinapangako ko ikaw at ako lang wala ng iba pa, Katrina." Muling niya itong niyakap na walang kasing higpit. "Ngayon kailangan na nating umuwi mag-cecelebrate pa tayo kasama sina nanay at tatay," tukoy ni Katrina sa mga magulang niya, dahil ulilang lubos na si Lexter. Mula ng iwan ito ng mga magulang niya sa isang liblib na lugar malapit sa kapilya ng simbahan ng sitio nila. Masaya nilang binaybay ang daan pauwi sa sitio nila suot-suot ang togang tanda na nagawa nilang tuparin ang pangako sa isa't isa na magtatapos kahit na anumang pagsubok ang dumating sa buhay nilang dalawa. APAT NA TAON ANG NAKALIPAS. "Namumuot ako sa 'yo, Lester," buong pagmamahal na saad ni Katrina sa asawa, matapos silang ikasal sa isang kasalang bayan sa kapilya nila. Taunang libreng kasalan ito na hindi pinalagpas ng magkasintahan ang pagkakataon. Malaking bagay nga naman iyon lalo na sa budget nilang dalawa na naging malaking kabawasan. "Namumuot ako sa'yo, Asawa ko," buong pusong tugon niya sa asawa. Niyakap nila ang isa't isa suot suot ang simpleng barong na puti maging ang traje ng dalaga na pinamana pa sa kan'ya ng nanay niya. "Ito na ang simula ng lahat, Katrina. Bubuo tayo ng pamilya, haharapin natin ang lahat na magkasama, aniya nito sa pangarap nilang dalawa. Humigit siya ng sariwang hangin sa sayang nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Wala na siyang mahihiling lahat ng panalangin niya halos natupad na. Una ang makapagtapos silang magkasama, pangalawa ang maikasal sila sa isang kasalang bayan kahit na simple ang pagdiriwang masayang masaya silang mag-asawa. Masayang nagtipon-tipon ang lahat sa isang simpleng handaan sa maliit nilang bahay. Halos lahat ng bisitang nandoon ay walang pagsidlan ng saya sa unang bahagi ng buhay nila bilang siya na isang ganap ng Mrs. Samaniego. "May tumatawag yata sa'yo, mahal." Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin sa beywang sa gitna ng kwentuhan nila ng mga kaibigan niya. "Si Maricar, tumatawag," sagot niya dito nang makita ang pangalan ng matalik na kaibigan sa screen ng cellphone niya. "Sasagutin ko lang, mahal," paalam ni Katrina sa asawa. Matapos magpaalam sa ilang mga kaibigan tinungo niya ang maliit nilang silid para kausapin si Maricar. "Maricar, napatawag ka," simula niya rito. "Naku! Oo kanina pa nga ako tumatawag, bessy. May maganda akong balita para sa'yo," aniya nito bakas sa mukha ang excitement sa boses ng kaibigan niyang gaya niya isang ganap na ring guro. Ngunit hindi tulad niya nagtuturo na ito sa isang pampublikong paaralan sa Bulacan. "Pinarereport ka na sa school, Katrina. Pwedi ka na raw magsimula any moment from now," maganda ngang balita nito sa kaniya. Natigilan siya bigla nakaramdam ng saya at lungkot sa dala nitong good news para sa kaniya. Ang tugon sa matagal niya ng pangarap na makapagturo sa Bulacan, ang lugar na pangarap niya noon pa man kasama si Lester. "Nagsasabi ka ba ng totoo?" hindi niya makapaniwalang saad dito. "Nagsasabi ako ng totoo, Katrina. kaya if I were you, ayusin mo na mga dapat mong ayusin at gomora ka na dito," turan nito sa gitna ng pagtili nito, sa sayang nararamdaman sa isa sa mga pangarap niyang natupad na naman. "Mahal, hinahanap ka na ng mga kaibigan natin," saad ni Lester--- tulala siyang sinulyapan ito sa dahon ng pinto na tanging kurtina lang ang nagsisilbing pintuan nila. "M-mahal, may maganda akong balita sa'yo," kinakabahan niyang simula sa asawa para sa balitang dala ng kaibigan niya. Nilapitan siya ni Lester--- nagtatanong ang mga mata sa gusto niyang sabihin dito. TATLONG araw mula ng ikasal sila, tatlong araw na halos wala silang kibuan ni Lester dahil sa nabuo niyang desisyon na lumuwas papuntang Bulacan para sa trabahong nais niya noon pa man. "L-lester, ginagawa ko ito para sa atin, hindi lang para sa akin--- kailangan natin 'to! Nandito na tayo, nandito na ako. Aminin man natin o hindi mahirap dito sa Bicol, Lester," patuloy niya sa pangungumbinsi sa asawa niya. "Wala na akong magagawa, nakapagdesisyon ka na at alam ko kahit na ano gawin ko, hindi ko na babago," anito sa kaniya ni Lester. Umupo si Katrina patabi rito--- niyakap niya itong patalikod habang nakaupo sila sa matigas nilang higaan. "Isang taon lang 'to, Lester! Pangako. Magiging maayos rin ang lahat sa atin at alam mo naman na sa'yo lang iyong puso ko hindi ba?" Paglalambing niya sa asawa--- wala itong nagawa. Sunod-sunod itong tumango-tango sa kaniya, alam niyang sumasang-ayon na sa nais niyang mangyari. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa. "Excited na akong tawagin Teacher Samaniego, Mahal." nakangiting bulong ni Katrina dito. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya kinintalan ng mabilis na halik sa nuo at labi niya. "Dadalawin kita madalas d'on, ha," anito sa kaniya--- tumango-tango siya na may sobrang sayang nararamdaman. "Hihintayin kita, hihintayin kita d'on, Mahal." Napangiti sila sa isa't isa matapos pagsaluhan ang isang matamis na halik--- halik na punong-puno ng pagmamahal at tiwala sa isa't isa. NAKATAAS ang kilay habang pinagmamasdan niya ang isang bahay kung saan alam niyang nasa loob ng bahay na 'yon ang lalaking matagal niya ng gustong maging kaniya. Napadiin ang hawak niya sa manibela ng kan'yang sariling sasakyan. "What Gia wants, Gia gets! Magiging akin ka rin, Lester. Magiging akin ka rin!" nakangiti niyang bulong sa sarili para sa maitim niyang plano para sa lalaking alam niyang pagmamay-ari na ng babaeng kilalang-kilala niya. "I assure you, Katrina! Sa isang pikit mata ko lang sisiguraduhin kong mawawala sa'yo si Lester at kailanman hindi na muli magiging sa'yo!" dugtong pa niya para sa babaeng matagal niya ng minamanman at kinaiinggitan sa pagkakaroon nito ng isang Lester Samaniego ang nag-iisang pangarap niya sa kabila ng lahat nang meron siya bilang isang Gia Francisco. -----

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD