bc

Guarding the President's Son: Rijhen Delavega

book_age18+
280
FOLLOW
1.5K
READ
HE
badboy
kickass heroine
billionairess
heir/heiress
bxg
kicking
detective
surrender
stubborn
like
intro-logo
Blurb

"Mister Mendoza is seeking a dependable bodyguard to watch over his son, Matthew Mendoza... Nasabit siya sa isang krimen na ayon sa mga nakalap ko ay na-frame up lang siya ngunit siya ang idinidiin ng sarili niyang grupo... Sa iyo ko na ibibigay ang assignment na ito. Protektahan mo siya."

Paano tatanggapin ni Rijhen ang misyong itinalaga sa kanya ng team leader ng organisasyong kinabibilangan niya, gayong ang lalaking ito ay mortal niyang kaaway sa buong buhay niya. Dala-dala pa rin niya hanggang ngayon ang pilat ng nakaraan na ipinalasap sa kanya noon ni Matthew Mendoza.

chap-preview
Free preview
CHAPTER1: The Mission
"Congratulations, Anak. Your mom and I are so proud of you. Keep up the good work, anak. We're just always here for you. We'll support you no matter what and wherever you go," madamdaming bati ni Mister Rick Delavega sa kanyang anak na si Rijhen nang magtamo na naman ito ng medalya mula sa mga extracurricular activities na sinasalihan nito sa kanilang paaralan. "Thank you so much, Dad," maluha-luha namang sagot ni Rijhen sa kanyang ama bago humalik dito at yumakap. "Congratulations, sa napakaganda at napakagaling kong dalaga. You beat them all. We're so proud of you, baby," bati naman ng Ginang na si Zhujhen Cail Delavega sa kanyang anak kasunod ang mahigpit nilang pagyakap sa isa't isa. Kasalukuyan silang nasa loob ng gymnasium at katatapos lamang ng ceremony ng mga estudyante. Habang sa isang sulok naman ng gym ay nagmumokmok ang isang lalaking estudyante na si Matthew Mendoza na isa rin sa mga nakatanggap ng medalya. Ngunit pangalawa lamang ito kay Rijhen. Lingid sa pamilya Delavega ay nagngitngit ang kalooban ni Matthew habang nakatitig sa kanila. *** "Mom, Dad, mauna na po kayo sa sasakyan. I'll just change my uniform," paalam ni Rijhen sa kanyang mga magulang na kaagad naman ng mga itong tinanguan. "Don't take too long, a'right?" sagot ng kanyang ama. "Yes, Dad!" Mabilis na nagtungo si Rijhen sa locker room at kinuha ang kanyang bag at upang magpalit na rin ng suot niyang uniform. Siya na lamang ang naiwang estudyante dahil halos nakauwi na ang lahat. Mabilis din siyang nagtungo sa banyo at pumasok sa isang bakanteng cubicle. Nagmadali na siya sa pagpapalit ng damit upang hindi maghintay ng matagal ang kanyang mga magulang sa parking lot ng University. Ngunit sa paglabas niya ng cubicle ay sumalubong sa kanyang harapan si Matthew Mendoza na madilim ang mukha at animo'y wala sa katinuan. "A-Anong ginagawa mo dito?" Bumundol ang matinding kaba sa dibdib ng dalaga habang nakatitig sa binatang sikat sa pagkabarumbado at pagiging bully sa buong University. Minsan na siya nitong napagtripan ngunit nanatili pa rin siyang tahimik at hindi pinatulan ang binata. Ngumisi sa kanyang harapan na animo'y demonyo si Matthew. "Tsk. Ang akala mo ba, ikaw na ang pinakamagaling dito? Ikaw na ang pinakamataas? Ikaw na ang highest rank?" "I don't know what you're saying. Get the f**k out of my way." Tinangkang dumaan ni Rijhen sa kanan ng binata ngunit mabilis itong humarang kaya naman napaatras siya. Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya nang magsimulang pumasok sa pinto ang anim nitong barkada. "Matthew, hindi ako nakikipagbiruan. Lubayan niyo na ako!" sigaw na ni Rijhen sa binata habang pinipilit niyang labanan ang takot na nararamdaman niya. "Ito ba ang ipinagmamalaki mo?" Malakas na hinila ni Matthew ang tatlong medalyang kasalukuyan pa ring suot ni Rijhen. Nagulat naman ang dalaga at nanigas nang maglapit ang kanilang mga mukha at halos maglapat na ang mga labi nila ng binata. Kaagad na pumaling sa kaliwa ang mukha ng dalaga. "Tigilan mo na ako, Matthew. Ano bang nagawa ko sa iyo para pagdiskitahan mo ako ng ganito?" "Wala. Masyado ka lang ma-papel. Masyado kang papansin at akala mo, kung sino kang magaling. Gusto mo ng medalya?" mariing tanong sa kanya ng binata kasunod ang pagsenyas niya sa mga barkada nito. Kaagad na inilabas ni Matthew ang medalya niyang natanggap kani-kanina lamang at inihagis sa mga barkada niya. Naglabas naman ng isang lighter ang isa at inumpisahang idarang sa apoy ang bilog na medalya. "A-Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Rijhen habang pinagmamasdan ang ginagawa nilang pagsunog sa medalya ni Matthew. Ginamitan na nila ito ng sipit nang tuluyang na itong magbaga. "Hawakan niyo," utos ni Matthew sa mga barkada nito. "Matthew, a-anong gagawin mo? Tigilan mo na ito! Parang awa mo na!" Sinubukan nang manlaban ni Rijhen nang hawakan na siya ng mahigpit ng anim na lalaki. Malakas siyang itinalikod ng mga ito at idiniin sa pader habang hawak nila ng mahigpit ang kanyang mga braso sa likod. Wala siyang nagawa nang pagtulungan na siya ng anim na lalaki. Malakas nilang hiniklas ang collar ng suot niyang blouse hanggang sa lumantad sa kanilang harapan ang balikat niya. "Matthew, parang awa mo na! Ano bang gusto mo?! Itigil mo na 'to!" "Gusto mo ng medalya, hindi ba? P'wes, lasapin mo!" "Noooo!!! Aaaahhhhh!!!" Napuno ng malakas na palahaw ng dalaga ang buong unibersidad nang ilapat ni Matthew ang nagbabaga nitong medalya sa likuran, na kanang bahaging balikat ni Rijhen. Napahiga siya sa sahig nang bitawan siya ng mga kalalakihan. Pakiramdam ng dalaga ay babawian na siya ng buhay dahil sa matinding sakit na naramdaman niya sa balikat niya na tila naluto sa pagkakalapat ng nagbabagang medalya. *** FIVE YEARS LATER Rijhen "Okay lang po ba kayo, Sir?" tanong ko sa isang lalaking siguro ay nasa edad singkwenta na. Mabilis kong iniabot sa kanya ang attache case niyang tinangkang agawin kanina ng mga magnanakaw. Mabuti na lamang at naaktuhan ko ito kaya naman napigilan ko sila kaagad. "Ayos lang ako, Iha. Thank you so much. Napakahalaga ng nilalaman ng mga ito at hindi maaaring mawala." "Ayos lang po iyon. Ang mahalaga po ay nabawi natin at ligtas kayo." "I appreciate your kindness towards me, and I am truly grateful for it." Kaagad siyang dumukot ng isang check booklet sa loob ng suot niyang coat at nagsimulang magsulat doon. "N-Naku, Sir. Huwag na po. Hindi ko po kailangan ang bayad niyo. Ayos lang po sa akin 'yon." "No, Iha. Pasasalamat ko ito sa iyo. I'll never forget what you did to me." "Opo, Sir pero sa inyo na po 'yan." "No, Iha. Sige na. Please accept it. I can't sleep unless you do." "Po?" I did nothing when he took my hand and quickly laid down the bank check containing one million pesos! "Thank you, Iha. Thank you so much," he said, quickly getting into his car. Naiwan na lamang akong tulala habang hawak ang tseke niyang naglalaman ng malaking halaga. Napahinga na lamang ako ng malalim nang humarurot na paalis ang sasakyan niya. *** Alpha Safehouse "Rijhen, I'm glad you're here," salubong kaagad sa akin ni Cedie Onyx na siyang leader namin dito sa Alpha Organization. He is Tito Cedric's eldest son, who previously led this organization. "May problema?" "I'll give you a task since you're the only one without an assignment." Kaagad niyang inilapag sa aking harapan ang isang folder na siguradong naglalaman ng file ng taong tatrabahuhin ko. Kaagad ko naman itong binuksan at halos bumigay ang mga tuhod ko nang bumungad sa akin paningin ang larawan ng taong kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan. Kaagad na kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. "Nasabit siya sa isang krimen na ayon sa mga nakalap ko ay na-frame up lang siya ngunit siya ang idinidiin ng sarili niyang grupo." I frowned at what he said. "Currently, a group of people are looking for the individual they believe victimized them, according to my source. Mister Mendoza is currently seeking a dependable bodyguard to watch over his son, Matthew Mendoza. Ako na ang umako dahil kailangan din nating masugpo ang dalawang grupong ito na ngayon ay napaka-ilap hanapin ngunit tumitira nang talikuran." Hindi kaagad ako nakasagot. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Gusto kong tanggihan ang trabahong ito dahil sa lahat naman nang babantayan ko, eh bakit ito pang taong ito? Ngunit wala naman akong magagawa kung ang leader na namin ang nag-utos. Talaga ngang pinagkukrus pa rin ang landas namin ng taong ito. Dahil ang totoo ay hindi pa kami tapos. May malaking atraso pa siya sa akin na kailangan niyang bayaran!

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook