"ANO'NG kailangan n'yo sa amin?" "Sa inyo ng mga pulubing iyan ay wala. Subalit sa kausap mo kahapon ay mayroon. Kaya't kung gusto mo ang maayos na usapan ay sabihin mo kung saan siya nagpunta." "Wala akong alam sa sinasabi mo, Miss. Dahil sa katunayan ay marami naman akong kausap kahapon. Sa dinami-dami ba naman ng tao rito sa kalsada ay---" Subalit hindi na iyon natapos ng butihing Ale. Dahil nakatanggap siya ng nakakamatay na sampal mula sa babaeng ilang araw ding umaligid-ligid sa kanilang teritoryo. Hindi lang iyon, nagkumwari pa itong pulubi. "Hindi lang iyan ang matatanggap mo mula sa akin kung hindi mo ayusin ang iyong pananalita! Ngayon inuulit ko, nasaan ang mag-inang kausap mo kahapon?!" Pamumutol at pananakit ni Anabale Hinarez sa kaawa-awang Ale. "Kagaya nang sinabi ko ay