G-6
Bumagsak ang binata sa kanyang ibabaw habang mabigat pa rin ang paghinga nito. Hindi siya kumibo dahil hinihila na siya ng matinding antok. Hinayaan niya na lamang muna ito at nagpahila na sa kanyang antok.
ISANG mahinang ungol ang pinakawalan ni Grace nang maalimpungatan siya. Dahan-dahan siyang napadilat. Ilang beses pa niyang kinurap ang kanyang mga mata. Wala ang binata sa kanyang tabi. Mariin siyang muli na napapikit. May nangyari sa kanilang dalawa kagabi pero hindi ibig sabihin na bumibigay na siya ng todo. May asawa na ito at hindi siya dapat umulit pa sa ginawa niyang pagkakamali kagabi.
Inayos niya ang kanyang roba at akmang babangon pero agad din naman siyang napaungol. Nakagat niya ang kanyang labi. Parang bigla siyang nagka-muscle pain sa kanyang magkabilang hita. Napamura siya. Parang feeling niya'y first time niya kahit hindi naman na pero ang katotohanang ngayon lang naman siya ulit nakatikim ng sandata nitong matambok ay talagang expected nang magkaka-muscle pain siya.
Nahilot niya ang kanyang batok at kumapit sa haligi ng kanyang kama. Dahan-dahan siyang tumayo at minasahe ang kanyang mga hita. Paika-ika pa siya kung maglakad habang humahakbang papasok sa kanyang banyo.
Inis niyang inirapan ang kanyang sarili. Napuwersa talaga ng husto ang katawan niya kagabi.
Nang makapasok siya sa banyo ay agad din naman siyang naglinis ng kanyang sarili.
Ilang oras din ang iginugol niya sa pagbabad sa banyo bago tuluyang lumabas. Habang nagbibihis siya'y ayaw mawala sa utak niya ang mainit na eksenang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Max. Tumatayo ang mga balahibo niya sa tuwing nai-imagine niya kung gaano kaigi ang ginawa nitong pagpapala sa kanya ni Max.
Dinagukan niya ang kanyang sarili. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Walang nangyari sa kanilang dalawa ni Max. Wala!
Lumabas siya ng kanyang silid at pumanog na sa hagdan. Tinungo niya ang kusina.
"Maydee, pahingi ako ng gatas please," utos niya at naghila ng silya. Umupo siya at napayuko sa mesa habang ang kanyang noo ay nakapatong sa kanyang kanang bisig.
"Magandang umaga po senyorita Grace," nakangiting bati ni Ising sa kanya.
"Si Maydee ang inutusan ko, bakit ikaw ang may dala ng gatas ko?" kunot-noo niyang tanong sa katiwala.
"Nandoon po kay senyorito Max. Nagpatulong yata si senyorito na hanapin ang isang mahalagang bagay sa kanyang kuwarto," sagot nito. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.
"Ano naman daw?" tanong niya ulit at malapit nang umarko ang kanyang kaliwang kilay.
"Hindi ko po alam senyorita Grace," sagot naman nito. Mababakas sa mukha ng katiwala niya na wala nga ito talagang ideya.
Kinuha niya sang isang baso ng gatas at lumabas sa likod ng bahay. Agad niya pang nakitang tumuwad si Maydee habang may hinahanap sa ilalim ng leather sofa na nasa labas lang din naman ng mini porch ng guest.
"Senyorito Max? Talagang dito ninyo ba talaga naihulog iyon?" may paglalanding himig pa ni Maydee sa binatang amo nang kanyang itong marinig.
She rolled her eyes and stepped closer.
"What's keeping you two busy?" sabat nita sa mga ito. Max look at her immediately with a refreshing face. 'Wow. Ganyan pala ang mukhang nang nadiligan.' On her thoughts.
"I just lost something," sagot naman nito. Kumikit-balikat siya at tinalikuran na ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwag. Kaya niya pa lang magpanggap na parang wala lang pero ang totoo'y gustong manghina ng kanyang mga tuhod. Seeing Max after steamy hot s*x last night is some kind of awkward.
Damn it! Bumalik siya sa loob ng bahay at nagpahanda na kay Ising ng kanyang agahan. Inabala rin naman niya ang kanyang sarili sa panonood ng balita sa television habang prenteng nakaupo sa kanyang magarang sofa.
"Senyorita Grace, handa na po," wika ni Ising. Tumango lang siya at pinatay ang TV. Nang umabot siya sa kusina ay nakita niyang nakaupo na sa kaharap niyang silya si Max. Huminga siya ng malalim bago humakbang ulit. Naghila siya ng silya at umupo. Nagsimula na siyang kumain.
"Grace," wika nang binata dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo.
Nagtatanong ang kanyang mga mata pero nanatiling tikom ang kanyang bibig.
"I think I left it in your room," he said in a low voice. Na para bang siya lang ang pinariringgan nito.
"What!?" Napataas ang kanyang boses. Takang-taka tuloy na napatingin ang katiwala niyang si Ising. Napatikhim siya at napaayos sa pag-upo. Uminit ang mga pisngi niya at bigla siyang nailang nang banggitin nito ang kanyang kuwarto.
"Ibibigay ko kung ano man iyon kapag nahanap ko," hindi makatingin niyang wika sa binata. Hindi rin naman ito nangulit pa.
"Ate Maydee!" Napaangat siya ng kanyang ulo muli nang marinig ang boses ni Jenny.
"Jen! Nasa kusina ako," wika niya ng may kalakasan. Narinig niya ang pagtakbo ng dalagita.
"Ate! Pasabay naman ako mag-breakfast oh, wala kasi si Lolo sa bahay— Ops! May bisita ka pala," madaldal pa nitong salubong sa kanya at napatigil sa huli nang makitang nakatuon si Max kay Jenny.
Isang simple tango lang ang itinugon ni Max rito.
"Ising, isang plato nga para kay Jenny," utos niya pa at naghila ng silya.
"Upo na," yaya niya sa dalagita.
"Pero may bisita ka pala ate, nakakahiya naman..." mahina pa nitong wika sa kanya. Tipid naman siyang ngumiti.
"Huwag mo na lang pansinin iyan," sagot niya kay Jenny na halos pabulong na rin.
Pumorma namang hugis letrang O ang bibig nito pero wala namang kahit anong salita ang lumabas kasabay ang pagtango.
Nagsimula na sila ulit kumain, maging si Jenny. Ang akala ni Grace ay matatapos na ang pananahimik ni Jenny pero bigla itong tumitig ng seryoso kay Max.
"Familiar ka talaga sa akin kuya. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan kita nakita," anito at muntik na siyang masamid.
"You think so?" sagot naman ni Max.
"Opo. Ano nga po pala ang pangalan ninyo?" tanong muli ni Jenny.
"Jen, just eat," bara niya.
"Max," sagot naman ng binata kaya bigla siyang napairap dito. At mukhang game na game pa sa question and answer portion ang binata. Knowing Jenny, hindi titigil ito hangga't hindi ito nakukuntento.
"Max?" curious pang sambit ni Jenny sa pangalan ng binata. God! Huwag naman sanang makilala ni Jenny ang binata. She remembered, naikuwento niya kay Jenny ang past love life niya tungkol kay Max.
"Yes. Maximo Olivares III," kumpletong sagot pa ng lalbaki.
Bigla namang lumaki ang mga mata ni Jenny. Damn it! She's done!
"Naalala kita! Ikaw iyong ex-boyfriend na first love ni ate Grace! Hala! Nagkabalikan na kayo? Ang guwapo niyo po pala sa personal kuya. Dati kasi sa picture ko lang kayo nakikita. Ang cute pa ng pitaka ni ate Grace. May secret pocket—"
Mabilis niyang natakpan ang bibig ni Jenny.
"Ha-ha-ha! May sasabihin kang importante, 'di ba? Kaya ka nandito bukod sa wala kang kasabay mag-almusal? Ano?" Pinandilatan niya pa ito. Damn it! Matabil talaga ang dila nito kahit kailan.