G-1

921 Words
G-1 NANG umabot siya sa tapat ng hacienda ng kanyang kuya Thad, ay habol-habol niya ang kanyang hininga. Sa bilis ba naman niyang magpatakbo sa kabayo ay talagang makararamdam din siya ng pagkahapo. Huminga siya ng malalim. Umagang-umaga na at heto siya ay pinagpapawisan din. May ilang butil ng pawis pa sa kanyang noo at tungki ng ilong. "Clinton's Casa Villa Hacienda," sambit niya nang mabasa ang sign board sa pinakaibabaw ng gate. Nothings change. Iyan agad ang pumasok sa utak niya. Simula kasi nang bumukod siya kay Amanda ay madalang pa sa kabute ang pagsulpot niya rito. At ang mga panahon din iyon ay ang pagsisimula ng heartbreak niya lalo na ang process ng moving on. She smirk on herself. Hindi pa pala niya nagagamit ang salitang move on. How would she use it when Max is still bugging her, in her dreams and thoughts actually. "Senyorita Grace!" masiglang salubong sa kanya ni Mang Berto. Ang matandang katiwala ni Thad. Binukasan nito ang gate para makapasok siya. "Magandang umaga po Mang Berto," masiglang bati rin naman niya. Ayaw niyang ipahalata sa matanda na hindi niya gusto ang pagpunta niya rito. Para kay Amanda at Thad itong ginagawa niya. "Mabuti na lang po at naimporma ako ni Senyorito Thad na dadalaw po kayo senyorita," anito. "Tinawagan niya nga po ako kanina. Wala rin naman po akong ginagawa pa kaya nagpunta po ako agad dito," sagot niya at napatanaw sa villa. "May bisita raw ang kuya Thad, Mang Berto?" segunda niya. "Ay opo senyorita Grace. Umuwi kasi ang senyorito Max." Napalunok siya nang marinig ang pangalan ni Max. Humigpit ang pagkakahawak niya sa tali ng kabayo. "Nasaan ho siya?" kalmado niya lang na tanong. Ni walang emosyon ang kanyang mga mata. "Nasa loob po senyorita," sagot naman nito. "Huwag niyo na lang po isarado ang gate. Aalis din naman po ako agad," bilin niya pa. Tumango lamang ang matanda sa kanya. Pinalakad na niya ang kabayo niya palapit sa villa at nang tumapat dito ay agad din naman siyang bumaba. Diretso siyang pumasok sa loob nang hindi man lang kumakatok. Nang makapasok siya sa loob ay nagtaka pa siya kung bakit tahimik. Sumilip pa siya sa kusina pero wala namang ibang tao maliban na lang sa isang kasambahay na abala sa paghuhugas ng mga plato. Umikot siya at saktong nahinto sa ibabang beranda ng villa. "You're looking for someone?" Agad na nanigas ang kanyang leeg at napalingon sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapasinghap dahil limang dangkal lang ang pagitan ng kanilang mga katawan. Ngunit hindi niya naitago ang mapalunok. Bahagya pa siyang napakurap. 'Maximo Olivares III' anas niya sa kanyang utak. Muli siyang napakurap nang makita ang itsura ito. Mahaba ang buhok nito. Parang rockstar na ewan, at hanggang leeg lang din naman ang haba ng buhok nitong kulay hazel brown. But he is still masculine as ever. Walang nagbago sa katawan nito. Mas lalo pa nga itong naging fit. "Grace," sambit nito dahilan para bumalik siya sa kanyang ulirat. "Don't call me my name. You seems fine. I'll go ahead," mariin niyang wika at akmang aalis na sana sa harapan nito pero bigla nitong hinigit ang kanyang kaliwang braso. "Why I can't call you by your name?" tanong nito na ikinagulat din naman niya. Hindi siya makapaniwalang nakakaya pa nitong magtanong ng ganoon sa kabila nang ginawa nitong pagtataksil sa kanya. Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Mind your own business! Excuse me," aniya at tinalikuran na ito. "Lilipat ako sa villa mo mamaya," anito dahil para mapatigil siya sa paghakbang. "Ano!?" gulat niyang sambit. Nilingon niya ang binata. "At sino naman ang nagbigay sa iyo ng pirmiso para tumira sa bahay ko!?" "Amanda," simple lang nitong sagot dahilan para umawang ang kanyang bibig. Igting ang kanyang panga. "You're just lying!" iritado na niyang sagot sa binata. Kumikit-balikat naman ito. "Why don't you confirm it?" hamon pa nito sa kanya. Agad na naningkit ang kanyang mga mata. Agad niyang hinanap ang telephone at nag-dial ng ilang numero. Long distance call ang tawag niya and it takes a few minutes to connect at them. "Hello?" boses ng isang babae. "Ate Amanda? It's me Grace," pagpapakilala niya. "Oh? Where's your phone? Why using long distance call?" anito pa. Nakita yata nito sa screen ng cell phone nito na iba ang numerong gamit niya. "Naiwan ko sa bahay. Nandito ako ngayon sa villa ni kuya Thad. Is this true? Sa akin mo gustong patirahin muna si Max?" aniya at pinipilit na kumalma ang boses. Mahigpit siyang humawak sa telepono habang pinaglalaruan ang wire nito. "Yes. Nakalimutan ba ni Thad na sabihin sa iyo? I'm sorry Grace. Wala kasi mag-aasikaso kay Max..." "Nandito si Mang Berto," sabat niya. "Matanda na siya Grace and beside hindi naman magtatagal si Max sa iyo. Habang wala pa kami ni Thad, ikaw muna ang bahala sa kanya. I am not saying he'll be staying at your house. May guest house ka naman 'di ba? Don't tell me you still haven't move on Grace. I thought you were," anito dahilan para lumuwag ang pagkakahawak niya sa telepono. "No..." mahinang sagot niya. "Then there's no problem at all. Kung ayaw mo talaga, sasabihin ko na lang kay Thad na umuwi na kaming dalawa..." "No! Ayos lang ate, please! Enjoy your vacation," aniya pa. Ayaw niyang masira ang bakasyon nito dahil lang sa pagiging bitter niya. "Okay! Just don't stress yourself. Take care Grace." Ibinaba na nito ang tawag niya. She sighs with disbelief. Wala siyang choice. Does she?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD