G-3

969 Words
G-3 Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang sarili bago tumayo. Agad siyang nagbihis. Kahit lutang ang utak niya'y nagawa niya pang ayusin ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Hindi niya akalaing maririnig niya ang mga bagay na iyon kay Max. Does it mean he still loves her? Crap! She shook her head. Hindi na siya mahal ni Max. Nagawa nga nitong iwan siya at ipagpalit sa iba. Pero hindi rin mawala sa utak niya ang naging akto niya kanina. Obviously, she is still bitter in front of him. Hindi niya talaga magawang itago after all this year. Gusto niyang dagukan ang sarili. Hindi niya kayang gawin ang mga nagagawa ni Amanda. Mariin siyang napapikit at lumabas na sa kanyang silid. "Ang guwapo ni senyorito, Ising! Grabe!" Narinig niya pang wika ni Maydee, ang isa sa mga katiwala niya. "Sobra! Hindi nga ako nakapaglinis ng maayos kanina sa kuwarto niya! Diyos ko!" sagot naman ni Ising na tila mahihimatay na sa sobrang kilig. Nagsalubong ang mga kilay niya at padabog na bumaba sa hagdan. Tipong bawat yabag ng mga paa niya ay may madiin at talagang makakaagaw ng atensyon. Nang tumapat siya sa mga ito ay agad din naman itong yumuko. "Maganda umaga po senyorita Grace," sabay na bati ng dalawa sa kanya. "Bakit nandito kayo? Hindi ba dapat naglilinis kayo sa guest house?" kunot-noo niyang tanong. "Pinatigil po kami ni senyorito Max. May allergy daw po kasi siya sa alikabok," sagot ni Ising na agad din naman niyang ikinatigil. Nakagat niya ang kanyang labi. Ngayon lang bumalik sa alaala niya ang bagay na iyon. Ayaw na ayaw nitong nadadapuan ng alikabok. Kahit maliit lang ay nagkakaroon agad ng pantal ang mga balat nito at panay pa ang hatsing nito. "Hindi ba't nalinis niyo naman ang kuwartong ginamit ni Jenny dito sa ibaba?" tanong niya. "Ay opo senyorita Grace. Napalitan din lahat ang kubrekama at mga kurtina kahapon." Napatango siya. "Sabihin mo sa kanya. Gamitin muna ang kuwartong iyon habang nililinis niyo pa ang guest house. At pakiusap lang, pakibilisan, salamat," aniya at tinalikuran na ang mga ito. "Boyfriend ba talaga ni senyorita Grace si senyorito Max? Parang hindi 'no?" Narinig niya pang wika ni Ising. "Aba malay ko," sagot naman ni Maydee. Umigting ang panga niya sa narinig pero hindi na nilingon pa ang mga katiwala niya. Kahit talaga hanggang ngayon ay agaw pansin pa rin ang karisma ng binata at hindi naman niya iyon maitatanggi sa kanyang sarili dahil minsan din naman niya itong hinangaan. Muli siyang umakyat sa kanyang silid. Ayaw man niyang makita ang binata sa loob ng kanyang pamamahay pero dahil sa may allergy ito'y palalagpasin muna ang kanyang galit. Nang makapasok siya sa kanyang kuwarto ay agad din naman siyang pumuwesto sa kanyang working table at nag-ayos ng mga papeles. Panahon na naman kasi ng renewal license ng business niya at hindi siya dapat na mahuli sa pagkuha muli ng lisensya upang hindi siya magkaroon ng penalty. Habang abala siya sa ginagawa ay bigla namang may pumihit ng kanyang doorknob, dahilan para umuwang ito. Nang kanya itong lingonin, it was Max. Agad na naningkit ang kanyang mga mata. "Hindi mo ba alam kung paano kumatok?" inis niyang sabi sa binata saka tumayo. Sumandal siya sa kanyang mesa. "It's not lock, why bother to knock," sagot naman nito na ikinaawang naman ng kanyang mga labi pero agad din naman niya itong itinikom. "Anong kailangan mo?" tanong niyang muli habang nakahalukipkip na. "I just want to say thank you," sagot nito pero wala man lang emosyon ang mukha nito. "Iyon lang ba?" Bigla naman nitong isinarado ang pinto. Tuwid siyang napatayo. Bigla na naman siyang naalarma. "I think I have something unfinished business," seryosong wika nito. Agad siyang napalunok. "W-what is it?" tanong niya at muntik pa siyang pumiyok. Dahan-dahan naman itong lumapit sa kanya. Gusto niyang mainis sa kanyang sarili. Bakit hindi na niya mabasa ang mga kilos ni Max gayong noo ay kabisadong -kabisado niya ang dating nobyo. Ni wala ngang emosyon ang mukha nito at palaging seryoso. Nagsimula na namang bumigat ang kanyang paghinga. It was like the first time she fell in love with Max. Ganitong-ganito ang nararamdaman niya noon sa tuwing mapalit sa kanya ang binata. Pinapalakas nito lagi ang t***k ng puso niya dahil sa sobrang kilig pero iba na ngayon dahil napalitan na ito ng matinding kaba. Hindi niya kasi malaman kung ano ang susunod nitong gagawin. Humakbang pa itong lalo palapit sa kanya. "You still remember I am allergic to dust," anito pa. Pilit niyang pinakakalma ang kanyang sarili. "I-iyon ba? Hindi ko na maalala. Nagkataon lang siguro at saka nililinis pa ang guest house. Kasalanan mo rin naman. Hindi hamak na mas maganda naman ang bahay ni ate Amanda at kuya Thad ngunit sa akin mo pa rin piniling tumira. Ibang klase ka rin." Napamulsa naman ito kasabay nang pagkibit ng mga balikat. "I miss you," sagot nito. Natameme siya. Ang puso niya'y nagsusumigaw. I miss you too! Crap! Mali ang mahulog ulit sa patibong nito. Hindi pa niya alam ang totoong pakay ng binata kung bakit ito ulit bumalik ng Cebu. "Well, mister Olivares, I don't miss you," mariin niyang sagot. Pero hindi man lang natinag si Max sa kanyang sinabi. Mas lalo pa itong humakbang palapit sa kanya hanggang sa isang dangkal na lang ang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Nawala ang pagkakahalukipkip niya. Bigla namang itinukod ng binata ang dalawang palad nito sa mesa habang nasa pagitan siya ng mga bisig nito. Napaliyad siya dahil doon at naitukod din ang kanyang mga palad sa mesa upang kumuha ng suporta. Sa sobrang lapit ng binata ay sa maling galaw niya lang o nito ay mag-aabot na ang kanilang mga labi. Mga labing pinagnanasaan niya sa kanyang mga panaginip tuwing gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD