G-9
AFTER the argument happened between her and Max, they never spoke again. Nagtataka man si Grace ngunit inisip na lamang niya na mas makakabuti iyon para sa kanilang dalawa.
She's fixing her stuffs when suddenly Max showed up on her porch. Sa gulat niya ay nabitiwan niya ang kanyang hawak na two piece.
"Nice choice," kumento pa nito sa nakabalandra niyang two piece sa kanyang sahig. Inis niyang pinulot ito at isinilid sa kanyang bag.
"Nice choice mo mukha mo! At ano na naman ang ginagawa mo sa kuwarto ko? At paano ka nakapasok na naman?" inis at mangha niyang tanong sa lalaki.
"Well, as you see my way of entrance, dumaan ako sa veranda mo."
"It's lock," sagot naman niya.
"I know how to unlock it," simpleng sagot naman nito at napamulsa. Napamaywang siya.
"So akyat bahay ka na rin pala ngayon?"
"It depends on the situation. Don't you know that climbing on your porch is fun. Thad love it before, but I guess I am loving this kind of habit too."
She rolled her eyes with amusement on her face.
"Lumabas ka na bago pa ako sumigaw ng rape," banta niya pa kay Max. He smirk.
"I bet you wouldn't do that because all of them know what I am to you."
"Excuse me?"
"I told them that I was your long lost boyfriend and whatever they hear about me and you, fighting, arguing, yelling at each other, it will not be of use for them. They will think that it is only a lover's quarrel."
Napanganga siya sa kanyang narinig.
"You're insane!"
"Yeah," sang-ayon pa nito sabay tango.
Gigil niyang nakuyom ang kanyang mga kamao.
"Ano ba talaga ang sadya mo?"
Kumikit-balikat pa muna ito at sumandal sa kanyang working table. Kinuha nito ang snow ball sa kanyang mesa at bahagya itong inalog.
"I like watching you sleeping," wika nito at natigilan din naman siya sa kanyang narinig. Napalunok siya at agad biniwa ang sandaling pagkakatulala niya.
"Hindi mo ako madadala sa mga pambobola mo. Sabihin mo na."
"Huwag kang dadalo sa fashion show event," wika nito at malamlam na tumitig sa kanya. Agad din naman siyang nag-iwas ng kanyang mga mata.
"Hindi ko kailangan ng abiso mo dahil hindi kita boyfriend at hindi mo ako girlfriend kaya huwag mo akong pagbabawalan."
Muli ay inabala niya ang kanyang sarili sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
"Paano kung ayaw ko pa rin?"
"Bahala ka sa buhay mo," sagot niya na lamang.
"Hindi nga kita papayagan," giit nitong muli at umalis sa pagkakasandal sa kanyang working table. Natigil din siya sa kanyang ginagawang pag-aayos.
"Stop pestering me Max!" pagtataas na niya ng kanyang boses.
"I'm not pestering you. I am claiming what's mine. You choose, papayagan kitang dumalo sa event na iyon if I will be your escort and you'll wear this."
Ipinakita pa nito ang hawak na kuwintas.
"Are you blackmailing me?" mangha niya pang reaksyon.
"Sort of," simple rin naman nitong sagot.
"No!" agad na angal niya at bahagya niya pang itinulak ang lalaki upang umalis ito sa pagkakaharang sa kanyang closet.
"Then I will tell Jenny that you'll decline her invitation and I will detain you here right now."
Namilog ang kanyang mga mata at inis muling hinarap ang lalaki.
"Namumuro ka na talaga sa akin ha! Hindi ka na nakakatuwa!" galit na niyang wika rito.
"I don't care!" pang-iinis naman ni Max sa kanya.
Natampal niya ang kanyang noo. Wala siyang choice kundi sundin ang lalaki. Puwede nga nitong gawin ang ikulong siya rito. Babae siya, ano ba ang laban niya sa pangangatawan ni Max kung sakaling magpumilit siyang huwag itong sundin.
"You're ridiculous!" inis niyang sambit sa kawalan at lumapit sa binata para kunin sana ang hawak nitong kuwintas ngunit mabilis naman nitong iniilag sa kanya. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Turn around," utos pa nito. Muli ay padabog niya itong sinunod at konting inangat ang kanyang buhok upang hindi ito maging sagabal. Narinig niya ang mga yabag ng paa nito palapit sa kanya at parang tila tinutukso pa siya dahil halos dumikit na ang katawan nito sa kanyang likurang bahagi. Kapag may tumayo talagang mararamdaman niya ng bongga! She's cursing herself on her thoughts for thinking stupid.
Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga ng lalaki habang busy ito sa pagkakabit ng lock nang suot niyang kuwintas. Parang kinikiliti ang kanyang kalamnan at ang mahinang hininga ito ay parang gumapang sa buo niyang katawan. Damn it! Mariin niyang nakagat ang kanyang labi. Nang makabit nito ang lock at hindi niya agad nabitiwan ang kanyang buhok dahil biglang lumapat ang mainit na labi ng lalaki sa kanyang batok. Napapikit siya ng mariin dahil sa matagal pa bago nito inilayo ang mga labi ng lalaki sa kanyang batok.
"I love you honeybee," bulong nito sa kanyang batok dahilan para mapamulat siya at parang napasong lumayo sa lalaki.
"Tapos ka na, 'di ba? Puwede ka nang lumabas," wika niya habang ang pagpintig ng kanyang puso ay nag-uunahan pa rin. Binuksan niya ang pinto. Nagawa niya pang hilain ang lalaki para lamang itulak ito palabas ng kanyang kuwarto. Nang maisara niya ang pinto ay agad niyang nasapo ang kanyang kaliwang dibdib. The more Max is getting closer to her, the more she desires to be with him but she hinder herself from ending in that kind of hole. She knows, in the end, she'll be hurt again, especially that Max is still a married man even if he keeps on denying it. She'll be lose in a battlefield where no one could lift her up, even Max.