Chapter 14 - Suitor

1134 Words
"Bhe, tara gala tayo mamaya!" Nagulat siya nang bigla siyang niyaya ni Mila, isang sales lady sa supermarket na pinagtatrabahuhan niya nang isang araw pagkatapos ng trabaho ay nilapitan siya nito. Medyo ka-close niya rin naman ito. Ang totoo ay kasabayan niya itong pumasok doon bilang sales lady pero ngayon ay cashier na siya. "Saan?" nagtataka niyang tanong dito. Ngayon lang kasi siya nito niyayang gumala dahil palagi itong busy sa boyfriend nito. At hindi niya talaga alam kung bakit niyayaya siya nito. "Kain lang tayo ng dinner tas punta sa Mall." anito. "Eh bakit hindi ka magpasama sa boyfriend mo?" Usisa niya naman dito. Nakakapagtaka lang na siya ang naisip nitong yayain samantalang alam naman nitong hindi siya gala. "Nakakasawa na kasi siyang kasama! Kaya sige na, pumayag ka na. Ngayon lang naman ito Rona. Please? Tsaka susunod daw sina Mercedes." Napakunot-noo na siya sa pamimilit at pakikiusap nito. Masyado naman yata itong desidido na yayain siyang lumabas? At bakit susunod pa sina Mercedes kung puwede namang sabay-sabay silang pumunta sa kakainan nila? Tsaka medyo maliwanag pa naman. Store opening na kasi ngayon ang schedule niya sa trabaho dahil nagpalit na ng buwan. "May dadaanan pa raw sila. Kaya tara na? Halika na!" Hindi na siya binigyan ng pagkakataong magtanong pa o tumanggi at hinila na siya ni Mila kaya nagpatianod na lang siya. Hay nakung babae na 'to, masyadong mapilit! Pero nagtaka siya dahil sa isang restaurant sila pumunta kaya nagtataka niya itong tiningnan pagkatapos nitong magbayad sa taxi. Oo nagtaxi pa talaga sila dahil iyon ang gusto nito at ito naman ang nagbayad. Ang dinner naman daw nila ay may sasagot na. Nagtataka lang siya dahil sino kaya ang katrabaho nilang galante ngayon para siyang magbayad ng dinner sa isang mamahaling restaurant?? Baka kulang pa ang sahurin nito ng isang buwan para sa pambayad doon. Tssk. Kinausap ni Mila ang sumalubong sa kanilang waiter at iginiya sila nito sa isang table. Wow, at mukhang may reservation pa! Baka si Rose ang manlilibre sa kanila at baka totoo ang tsismis na anak-mayaman ito at nagpapanggap lang na mahirap! Pero pansin niyang sa di kalakihang table sila pinaupo ng waiter. Hindi kaya nagkamali ito? Marami sila kaya kakasya kaya sila roon?? Magtatanong na sana siya kay Mila nang biglang tumunog ang cellphone nito. "Excuse me lang, Rona ha? Sagutin ko lang ito." Tumango siya kay Mila at agad naman itong lumayo. Baka boyfriend nito ang tumawag na iyon. Di rin naman nagtagal ay bumalik na si Mila, pero mukhang may bad news ito. "Rona, pasensiya na ha, may emergency kasi eh. Kailangan ko nang umalis." anito. "Ano? Eh paano ako? Nasaan na ba kasi sina Mercedes?" "Ahm. Papunta na sila dito, wag kang mag-alala. Kaya wag na wag kang aalis dito ha? Papunta na raw sila. nagtext na sila sa akin." Malikot ang mga mata at may pagmamadaling sabi ni Mila. Medyo naawa tuloy siya rito dahil baka malaki ang problema nito. Sabi nga nito ay may emergency raw itong kailangang puntahan. "Sige na, Mila, umalis ka na. Wag ka nang mag-alala sa akin dito. Parating na rin naman siguro sina Mercedes." taboy niya rito. "Oh sige ha. Bye. Enjoy!" ngumiti pa ito ng matamis sa kanya bago ito tumalikod at nagmamadaling lumabas sa restaurant. Huh! Parang sira naman si Mila. Kanina parang may malaking problema, tapos biglang ngingiti na parang ang saya-saya? Tsk. Dineadma na lang niya ang reaksiyon ni Mila at itinutok ang pansin sa buong restaurant. Marami-rami rin ang mga kumakain doon at --biglang napako ang tingin niya sa isang lalaking nasa loob din ng restaurant at nakatingin ngayon sa kanya! Axell.... Parang binibiro na naman yata siya ng tadhana! Bakit napapadalas pa yata ang pagkikita nila ni Axell imbes na tuluyang maghiwalay ang landas nila?? Mukhang kasalukuyan itong may meeting doon sa restaurant na iyon dahil may kasama itong isang may katandaang lalaki sa table nito. "Sorry if I made you wait." Biglang napaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ni Sir Martin! Bakit nandoon ito? Kasama ba ito sa dinner nilang magkakatrabaho? s**t! Iniiwasan na nga niya ito dahil ayaw niya itong paasahin pero ang kulit pa rin nito! Tapos ngayon... Oh my gulay! Hindi kaya pinlano nito ang dinner na iyon? Mila!!!! "For you..." Anito sabay abot ng isang pumpon ng pulang rosas. Ayaw niya sana iyong tanggapin pero ayaw naman niyang mapahiya ito kaya tinanggap na lang niya. Pero mamaya ay pagsasabihan niya NA NAMAN ito na itigil na ang panliligaw sa kanya at pagbibigay sa kanya ng kung anu-ano dahil wala itong aasahan sa kanya. "Sir... Bakit po kayo nandito?" mahinang tanong niya. Alam niyang rude ang tanong na iyon, pero gusto lang niyang kumpirmahin ang naisip niya na pinlano talaga nito ang pagpunta niya roon. Na hindi totoong sina Mercedes ang makakasama niya roon kundi ito. "I'm sorry Rona kung nagawa ko ito. I just want to have alone time with you and to tell you that I'm serious about you. Please, give me chance to prove myself to you." Napatitig lang siya rito. Kung dati nga ay hindi na niya ito mabigyan ng chance, ngayon pa kayang nakipagsabwatan ito kay Mila para masolo siya sa restaurant na iyon? Akala ba nito ay nakakakilig iyon? Lalo lang siyang nawalan ng interes rito. Ngayon pa lang ay pinapatunayan na nito sa kanya na hindi niya ito puwedeng pagkatiwalaan dahil gagawin pala nito ang gusto nito sa ayaw niya o sa gusto. Baka nga mas malala pa ito kay Carl dahil mukhang may pagka-controlling ito. Paano na lang kung maging sila nito? Baka maging sunud-sunuran na lang siya rito. "And please stop calling me Sir when we're outside work. Just Martin." dagdag pa nito. "Martin... I'm sorry din pero wala ka talagang maaasahan sa akin. Sorry pero hindi kita type. At saka.. may iba na akong gusto." Diretsahan niyang sabi rito. Ayaw niya sanang saktan ito pero kung iyon lang ang paraan para tumigil ito sa panliligaw sa kanya ay gagawin niya. Bahala na kung maging awkward sila sa trabaho. Pero iyon ang tamang gawin para hindi na ito magsayang pa ng oras sa kanya. Wala naman siyang nagugustuhan pero agad pumasok sa isip niya si Axell kanina kaya iyon na lang ang sinabi niya. Bigla siyang napalingon sa kinauupuan ni Axell kanina at nakaramdam siya ng pagkadismaya nang makitang wala na ito roon. Siguro nga ay wala na rin itong paki sa kanya. Nakikipaglandian na nga ito sa ibang babae, di ba? Tapos, dalawang beses na silang nagkita pagkatapos ng nangyari sa kanila pero hindi na siya ulit nito nginingitian o nilalapitan. Talaga ngang one night stand lang ang nangyari sa kanila. Siguro, kung magkikita man ulit sila ng ilan pang beses ay magkukunwari na lang lagi sila na hindi nila kilala ang isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD