Chapter 16 - Cannot Avoid Him

2266 Words
"Ano ba?!" Hindi na nakatiis si Rona na harapin ang lalaking nararamdaman niyang pasimpleng humahawak sa baywang niya. Medyo lasing na siya pero alam niyang may nantsa-tsansing na sa kanya sa dance floor. Nandito na naman siya ngayon sa bar. Birthday kasi ngayon ni Mercedes at dito dinala ang party nito. Una, kumain muna sila sa isang restaurant kasama ang mga katrabaho nila tapos ay niyaya pa sila dito ni Mercedes. Hindi raw kumpleto ang birthday nito kung walang inuman. Siyempre go lang siya! Pag libre, madalas ay hindi na niya tinatanggihan. Puwera lang siyempre kung lalaki ang nagyayaya sa kanya kasi ibang usapan na iyon. Si Axell lang naman ang pinagbigyan niya noon na--haay si Axell na naman! Palagi na lang niyang naiisip si Axell! Hindi naman siguro niya ito nami-miss, noh! Naiisip lang naman niya ito paminsan minsan dahil sa churvahan nila. Bago pa tuluyang maging puro si Axell na naman ang laman ng isip niya ay hinarap niya ang lalaking nantsa-tsansing sa kanya. "Bastos ka, ah!" Aniya habang tinitingnan ito ng masama. Sana pala ay umuwi na rin siya nang mag-uwian na sina Mercedes. Kaso nagpaiwan pa sila ni Rose para saglit magsayaw pero bigla na lang nawala sa tabi niya si Rose. Sayang, nag-eenjoy pa naman sana siya kaso sinira na ng bastos na lalaki sa harap niya ang mood niya! "Hi sweetheart. Ako nga pala si Adrian." anang lalaki sabay lahad ng kamay sa harapan niya. Aba't ang lakas ng loob nitong magpakilala na parang wala itong ginawa ah! Pinaningkitan niya ito ng mga mata at tinabig ang kamay nito. "Wala akong pakialam! Lumayu-layo ka sa 'king manyak ka!" sigaw niya rito. Maingay sa loob ng bar kaya hindi naman niya naagaw ang atensiyon ng mga tao roon, iyong iba lang na malapit sa kanila ang biglang napatingin sa kanila ng manyak na lalaki. Ngumisi pa ang lalaki at parang wala lang na lalapit pa sana ito sa kanya pero bigla na lang may matitikas na mga brasong bumalot sa baywang niya. Ito naman sana ang babalingan at sisinghalan niya nang bigla itong magsalita kasabay ng pagpatong ng baba nito sa kaliwang balikat niya. "Baby... I got surprised to see you here." A-Axell...? Singbilis ng kidlat na napalingon siya at napatingala rito. Muntik pa niya itong mahalikan! Nag-i-imagine ba siya dahil lagi na lang pumapasok sa isip niya si Axell? O totoo bang narito ito ngayon, nakatayo sa likod niya at nakayakap sa kanya? Pero bakit? Gayon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso niya at napatulala siya habang nakatitig sa mukha nito. "Axell?" Naniniguro niyang tanong. Mahirap na, baka kasi namamalik-mata lang siya at kaparehas lang ng boses nito ang lalaking nakayakap sa kanya kaya nagkamali siya dahil sa pagka-miss niya kay Axell. Miss? Oh no hindi niya nami-miss si Axell! "Yes, baby. Is he bothering you?"Tanong pa nito sabay seryosong baling sa lalaking gusto siyang bastusin. Saka lang niya naalala ang buwisit na lalaking iyon na nakapagtatakang tila biglang nabahag ang buntot habang nakatingin kay Axell. Kahit medyo madilim sa loob ng bar at papalit-palit ang mga ilaw ay pansin niyang bahagyang namutla ang lalaki. Dahil ba kay Axell? Natakot kaya ito kay Axell? Eh duwag naman pala ang bastos na lalaking 'yon eh! Ang lakas ng loob manantsing, takot naman pala sa gulo. Tss. "Mr. Martinez... Sir! Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po alam... Wala po akong balak na masama, nakikipag-usap lang ako sa--" "Save your damn excuses Mr. Uyy. Remember her face and don't you dare bother her again. Do you understand? This will be your first and last warning. Now, get lost." Hindi lang yata ang lalaking kaharap niya ang naging tensionado dahil kay Axell kundi pati na siya dahil ramdam niya ang pagiging dominante sa tono nito. At mukhang takot na takot itong nagpakilalang Adrian sa kanya kay Axell. Nagtaka tuloy siya at lalo siyang napaisip tungkol kay Axell. "Y-Yes, Sir!" agad namang yumuko at tumalikod sa kanila ang manyak na lalaki. Nakaalis na ang manyak pero nanatili pa ring nakagapos ang mga braso ni Axell sa baywang niya kahit halos magkatabi na silang nakatayo sa dance floor. Tumikhim na siya para kunin ang pansin nito at para ilayo na nito ang sarili sa kanya. Muli na naman kasing nabubuhay ang alab na naramdaman niya noon kay Axell, and that is very wrong! They should forget each other, right? Not to get close again. Tsk! Medyo lasing na talaga siya kaya napapa-english na naman siya sa sarili niya. "You okay?" Tanong nito. Inalis lang nito ang kaliwang kamay sa baywang niya pero nanatiling nakahawak ang kanan sa kanan ding baywang niya. Medyo possessive, huh! Pero agad niya ring sinita ang sarili niya sa isiping iyon at inisip na lang niya na baka kaya ginagawa pa nito iyon ay para di na siya lapitan at bastusin ng ibang lalaki. Ayaw niya ang unang naisip niya pero mas nadismaya siya sa pangalawang posibilidad na naisip niya. "Oo, Axell, ayos lang naman ako." "Bakit ka kasi pumupunta sa ganitong lugar nang mag-isa? Don't you know it's dangerous for a woman like you to go to these kinds of places alone? And... you're drunk! If I didn't see you, anyone could easily drag you out of here and no one would care." Teka... sinisermunan ba siya nito? Ok, nagpapasalamat siyang dumating ito, pero wala itong karapatang pagalitan siya. Tsaka hindi naman talaga siya mag-isang pumunta don, naiwan lang siyang mag-isa. "Pinapagalitan mo ba ako? Tsaka hindi ako mag-isang pumunta dito! Kasama ko talaga 'yong workmates tapos nagpaiwan lang kami ni Rose para magsayaw pero bigla siyang nawala." mataray niyang pagbibigay rason dito. "Exactly! Your friend couldn't even keep you company and yet you stayed while you're drunk." "Hindi pa ako lasing! Medyo lang! Kaya ko pa ngang umuwi." "Come on, I'll give you a ride." "Hindi na kaila--" Hindi na nito pinatapos ang pagtanggi niya dahil mabilis itong nakakilos at nahawakan ang kaliwang braso niya sabay hila sa kanya palabas ng bar. Napamaang na lang siyang napatingin sa likod nito na hindi makapaniwala sa inaakto nito. Hindi ba nito na-gets ang sinabi niya noon? Akala niya ay nagkaintindihan na sila! Pero bakit feeling close pa ito ngayon sa kanya imbes na pabayaan na lang siya nito at wag nang pansinin pa? Ayaw niya! Ayaw niyang bigyan ng pagkakataong magkalapit sila dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at tuluyan na siyang magkagusto rito! It's very wrong! Kahit medyo lasing na siya ay alam niyang mali pa ring hayaan niya ang sariling mapalapit muli kay Axell. "Axell--" Magpupumiglas sana siya pero tiningnan siya nito ng masama. Aba't-- "Don't be stubborn!" seryoso nitong wika at tuluyan na siyang hinila palabas ng bar. at dahil wala siyang panama sa lakas nito idagdag pang nakainom siya ay wala siyang nakawa kundi magpaubaya rito. Hila-hila pa rin siya nito hanggang sa makarating sila sa nakaparada nitong kotse at pagbuksan siya niyo ng pinto sa tabi ng driver's seat. Nang makapasok na siya ay agad rin naman itong umikot at pumuwesto sa driver's seat pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng sasakyan nito. Wala silang imikan habang nasa byahe. Sigurado siyang medyo late na rin kaya marahil hindi na traffic at mabilis na ang daloy ng mga sasakyan sa highway. Naiinis siya! Bakit naman kasi kailangang ihatid pa siya nito?! Siya na nga ang lumalayo, lumapit na naman ito! Masyado ring makulit, eh! Namalayan na lang niyang papasok na sa eskinita ng boarding house nila ni Becka ang kotse nito kaya gulat na pinigilan niya ito. "Baliw ka ba?! Kita mong ang liit-liit ng eskinitang yan, ipapasok mo ang kotse mo? Paano kung magasgasan iyan?!" Siya pa yata ang mas concern sa kotse nito kaysa rito! "I have passed this area many times, and I saw some cars coming in and out of here. Kaya alam kong kasya ang kotse ko. I'll just drive safely and slowly to prevent my car from being damaged." mahinahon nitong tugon. "Ah, bahala ka nga!" Wag na wag lang siya nitong sisingilin kapag nagasgasan ang kotse nitong halatang mamahalin! Nangingintab pa naman iyon at mukhang alagang-alaga. "Just tell me the direction to your house." anito. "Hindi ko iyon house kundi boarding house!" pagtatama niya rito. "It's just the same. It's where you live." Napairap na lang siya sa kakulitan nito. Hindi siya nahilo sa alak pero kay Axell pa yata siya mahihilo. Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang boarding house nila ni Becka. Isang bahay lang iyon na isang palapag at may mga kadikit ding boarding house dahil apat iyong paupahan sa loob ng isang bakuran. May maliit na sala sila ni Becka, maliit na banyo at maliit na kusina pero tig isa naman sila ng kwarto ni Becka. "Diyan, diyan sa may pulang gate. Ok, dito na!" Agad namang itinigil ni Axell ang kotse nito nang halos nasa tapat na sila ng gate na pula. Nagpasalamat lang siya rito at agad nang bumaba sa kotse nito pero nagulat siya nang bumaba rin ito at tila ini-lock pa ang kotse nito! "B-Bakit bumaba ka pa? Ok na ako rito. Sige na, umalis ka na." muli niyang taboy rito bago pa mawala ang katinuan niya at sunggaban ito! Kanina pa kasi siya naaakit sa bawat pag-flex ng muscle nito sa braso habang nagda-drive ito dahil kitang-kita niya ang mga iyon sa pagkakatupi nito ng manggas ng polo nito. "I need to pee.. And I'm thristy. Hindi naman siguro kalabisan na makikiinom ako at makikigamit ng banyo dahil hinatid naman kita, di ba?", Aba't...parang kinonsensiya pa siya! "Eh di sana tumigil ka sa gasolinahan at nakiihi doon tapos bumili ng tubig!" "I just felt it now. Hindi naman ako nauuhaw at naiihi kanina." Rason nito. "Tss." Iritable niya itong tiningnan pero wala na siyang nagawa kundi hugutin ang susi mula sa maliit na sling bag niya. Ang laman lang naman niyon ay wallet, mga susi, cellphone, panyo at press powder. Binuksan niya ang gate at nang makapasok ito at muling mai-lock ang kandado ay nagpatiuna na siya sa pinto ng boarding house nila ni Becka. "Iihi at iinom ka lang pagkatapos ay umalis ka na." Mataray niya pang dagdag. Mabuti nang malinaw noh! Hindi naman ito sumagot hanggang sa buksan na niya ang pinto ng boarding house nila ni Becka at agad buksan ang ilaw sa loob. Mga plastic na upuan lang ang mayroon sila sa sala at matatanaw na agad mula roon ang maliit na kusina. "Pagpasensiyahan mo na lang itong tinitirhan ko, maliit lang 'to at hindi masyadong maganda kumpara sa condo mo." aniya habang nagpapatiuna na siyang pumasok sa loob. Kahit naman medyo lasing siya ay may hiya pa rin naman siya dahil alam niyang mayaman ito at hindi ito sanay sa ganoon kaliit at 'karuming' bahay. Marumi in a sense na kupas na ang mga pintura roon at luma na ang kabuuan ng boarding house nila. Maging ang pagitan ng mga tiles ay may maiitim na at may mga parteng bitak-bitak na. Siyempre hindi nila ipapaayos iyon ni Becka! Nangungupahan lang sila, noh! Tsaka mabuti na rin siguro iyon para makita ni Axell ang mundo niya at tuluyan na itong lumayo sa kanya. Siguro naman ay hindi nito magugustuhang maging acquianted pa sa kanya pagkatapos nito. "No worries. Hindi naman ako maselan sa mga ganitong lugar. In fact, I also used to live in a lousy apartment before." Huh? Lihim siyang nagulat sa sinabi nito. Hindi naman kasi halatang minsan sa buhay nito ay naging mahirap lang ito. So ibig sabihin din, hindi pa rin siya nito iiwasan dahil lang mahirap lang siya? "Uhm. Ganon ba? Ito nga pala ang CR." nagtungo na siya agad sa pinto ng maliit na CR at pagkabukas ng ilaw doon ay pasimple niyang sinilip ang loob. Mabuti na lang kahit maliit ang CR nila ay laging malinis iyon, de xonrox pa nga kung nililinis nila iyon ng salitan ni Becka! "Okay." Humakbang na si Axell palapit sa pinto ng banyo at kaagad na rin siyang lumayo doon. Binuksan na niya ang maliit na ref nila ni Becka at inilabas ang isang pitsel na may lamang malamig na tubig habang narinig niya naman ang pagsasara ng pinto sa banyo. Siya ang unang napainom ng tubig! Bwisit n Axell! Masyadong paladesisyon! May pasama-sama pang nalalaman! Tssk! Kumuha na rin siya agad ng isa pang malinis na baso at sinalinan iyon ng tubig. Sakto namang lumabas na sa banyo si Axell. "Ito na ang tubig mo. Sige na, inumin mo na yan tapos umuwi ka na dahil magpapahinga na ako." walang emosyon niyang sabi. "Okay." Tipid magsalita, huh! Ininom na nga nito ang tubig ng dire-diretso hanggang sa masimot nito ang laman ng baso nito. Mukha ngang nauhaw talaga ito. Naglakad na siya sa pinto ng boarding house at maluwag iyong binuksan. "Sige, salamat ulit sa paghatid. Ingat ka na lang sa pagda-drive palabas para di magasgasan ang kotse mo." Aniya at pasimpleng iniwas ang tingin dito. Ramdam niya kasi ang pagtitig nito sa kanya. Pero hindi naman na nagsalita si Axell at naglakad na lang ito palapit sa pinto. Napahigpit naman ang pagkakahawak niya sa door knob nang bigla itong tumigil sa tapat niya bago pa man ito makalabas sa pinto. "I guess this is goodbye again." mahina nitong wika at napatango na lang siya rito nang hindi ito tinitingnan. Mabuti nang ipakita niyang cold na siya rito dahil kung anuman ang umuusbong na damdamin niya para kay Axell ay siguradong hindi rin naman magkakaroon ng tugon. Kung magkaroon man, siguradong panandalian lamang iyon. Init lang ng katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD