Makalipas ang ilang araw ay birthday na ni Clinton at pumayag si Becka na sumama sa kanila ni Rona. Pagpasok pa lang nila sa VIP room ng bar ni Clinton ay naagaw na nila ang pansin ng mga kaibigan niya kaya hinapit niya ng mahigpit ang baywang ni Rona nang makitang napatitig kay Rona at Becka ang mga babaerong kaibigan niya. "Whoa, whoa! You brought two beautiful women—" "Back off. This is Rona, my girlfriend and this is Becka, her friend. Now stay away. Si Clinton?" agad niyang putol kay Gerard. Balak pang hawakan ang kamay ni Rona, huh! In his damn dreams! Pakiramdam niya ay nagiging possessive na siya kay Rona lalo na pagkatapos noong huling nangyari sa kanila. Para kasing wala na iyong kinalaman sa kasunduan nila. Parang bang may malalim iyong kahulugan na hindi niya maintindihan.