Chapter 2

1954 Words
Chapter 2 Nakanganga ako habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Mukha namang normal ang reaksyon niya at tila pa naghihintay na bulyawan ko siya. Kumukurap-kurap ang kaniyang mga mata na tila bago sakanyang paningin ang aking iniasta.  "Sino ka?" Tanong ko.  Napataas ang kilay niya at sinuri ako. "Anong kinain mo kahapon? Bakit parang hindi mo na ako nakikilala?" Nagtatakha nitong tanong at idinampi pa ang kamay sa noo ko para tignan kung may lagnat ba ako.  Sa aking pagtitig sakanya, muling rumehistro ang imahe niya saaking isipan! No!!! Hindi iyon maaari!!  "Kasei?! Kasei Tatsumi?!" Natataranta kong tanong sakanya.  "Oo ako nga. Ayos kalang, Luna?" Sumigaw ako ng malakas. Napatakip pa ito sa magkabilang tainga dahil masyado yatang malakas ang sigaw ko.  "Anong ginagawa ko dito?!"  "Huh? Bakit mo ba 'yan natanong? Eh matagal na tayong nakatirang dalawa dito ah?" At mukhang hindi niya naiintindihan ang nais kong itanong. Sa pag-aakala kong epektibo ang paraan ng mga napapanood ko sa movies, sinapo ko ang magkabilang pisngi ni Kasei at...  "This is a f*****g nightmare! Nananaginip ako kasi nakatulugan ko ang pagbabasa ng kwento mo!" and then I kissed him.  I can almost hear a cricket after the kiss. Gulat na gulat ang lalaking nasa harapan ko. Dinaig pa ako. My god, naiiyak na ako nang mapagtantong hindi parin ako nawawala dito at totoong nasa katawan ako ni Luna! Paano ako napunta dito?! "Oh my god. Mama!! Papa!! If this is a prank please lang tigilan niyo na ako!" Sigaw ko pero wala akong narinig na ibang ingay. Tumingin ako sa paligid at katulad na katulad sa binabasa ko kahapon, iyon ang bahay na tinitirhan ni Kasei at Luna! Pinunasan ni Kasei ang labi niya gamit ang suot niyang T-Shirt.  "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sayo but you're acting weird. And, why are you calling your mother and father 'Mama' and 'Papa' that's not a proper manner! Alam mo ang tradisyon natin" Kung sa ibang pagkakataon makikipagtalo ako pero sobrang lakas ng t***k ng puso ko na pakiramdam ko lalabas na. Nagsipatakan ang aking mga luha at agad akong pumanhik. Nadatnan ko ang kwarto ko- ang kwarto ni Luna na walang bahid ng posters, stickers, merchandise, at ang mga paintings kong nanalo sa bawat paligsahan na sinasalihan ko'y wala roon.  Napahikbi ako. Nakakafrustrate ito! Papaano ako napunta dito? Kinurot ko ang sarili ko ngunit nasaktan lang ako. Hindi ito maaari. Sinapo ko ang pisngi ko at inilabas lahat ng nararamdaman ko sa pag-iyak. Panaginip lang ito diba? Nananaginip ako. Mamaya gigisingin ako ni mama at sasabihing luto na ang paborito kong scrambled eggs, sandwich, lobsters at shushi.  "Luna, are you missing your Okasan (Mother) and Otosan (Father)? You can pass an excuse letter today since the school principal is very fond of you he will let you go to your mansion." Narinig kong sambit ni Kasei na may bahid ng pag-aalala.  Hinarap ko siya at bigla itong sinampal. Nagulat siya sa ginawa ko. Ako din nagulat. Parang sa puntong ito gusto kong subukan lahat ng napanood kong paraan para magising at maibalik sa tunay na mundo sa tuwing napupunta sa ibang lugar o nananaginip. Pero sa tingin ko, this is the reality!  "W-what was that for?" He looks so amused or something.  "Ibalik mo ako sa mundo namin!" Bulyaw ko sakanya.  "What? Ano bang nangyayari sayo, Luna?" "Hindi ako si Luna! I am Yashita! Yashita Arashiyama! Oh my god, bakit ako napapaloob sa katawang ito!" Hindi ko alam ang gagawin. Wala namang magagawa ang pag-iyak pero umiyak lang ako ng umiyak. Nakayakap lamang ako saaking mga tuhod. Pilit man akong pinapakalma ni Kasei ay hindi ako makalma. Mas lalo lang akong sumisigaw. Sobrang sama ng panaginip na ito.  "Hai! Arigatou, Neji-san (Yes, Thank You, Brother Neji)" Narinig kong sagot ni Kasei.  Inangat ko ang aking tingin at napadako ito sa babaeng nakaupo sa kabilang sofa habang nakatingin saakin. Siguro sa lahat ng character sa The Warmth Of Your Love In Tamahome Land ay itong si Akame ang hinding-hindi ko makakalimutan. Ang maamo nitong mukha at inosenteng mga mata'y nakatitig saakin na para bang naninibago.  "Pasensya ka na, Akame. Hindi na kita nasundo at mukhang nalate pa tayo" "It's okay, Kasei-kun..." Malumanay nitong sagot. Imbes na mamroblema ako dahil sa sitwasyon ko, parang natutuwa pa akong nandito mismo sa scene na ito. Bumaling si Kasei saakin.  "Susunduin ka ng kuya mo. Basta magsabi ka lang daw kung kailan mo gustong umuwi sainyo..."  "Gusto ko ng umuwi!" Agad kong sagot.  Pareho pang gulat si Akame at Kasei. Siguro iba ang pagkakaintindi nila. Tumayo ako at tinalikuran sila. Mukhang ang mas magandang gawin ay matulog. Baka paggising ko nasa kwarto na ako at mayayakap ko na ang unan ko na may mukha ni Kakashi.  "Luna, you haven't eaten your breakfast yet. Tawagan mo nalang si Neji-san. Ngayon ka uuwi diba?" Tumango nalang ako ng marahan at nanghihinang umakyat. This is normal for them. Sa nabasa kong manga'y sanay na sanay si Kasei sa lahat ng iniaasta ni Luna. At ngayon, siguro normal parin iyon, medyo nagulat lang doon sa part na hinalikan at nasampal ko siya. Inihilamos ko ang aking mga palad saaking mukha. Paano ako makakaalis dito? Kung binabangungot ako sana naman magising na ako. Umupo ako sa sahig at iginala ang aking paningin sa paligid. Sobrang linis, na kahit ang study table ay walang bahid ng isang piraso ng papel. Yeah, in that novel and manga, Luna is a clean freak. "This can't be happening..."  Sa sobrang kaba ko sumipa-sipa pa ako. Sa araw na din naman ito gaganapin ang play namin sa school. Patay ako kay Sir kung hindi ako makapunta. Gumagalaw kaya ang katawan ko doon? Hala paano kung magtagal ako dito at maparalyze ang katawan ko!  Bigla akong nanlamig. Halo-halo ang nararamdaman ko. Pero namayani parin ang takot, naguguluhan. Hindi ko alam papaano ako napunta dito gayong kagabi lang ay nagbabasa ako at natulog tapos nagising na nandito na sa katawan ni Luna. What the heck?  Bumukas ang pinto kaya napaangat ang tingin ko. Nakahilig sa hamba ng pintuan si Kasei. Doon ko lamang siya napagmasdan. Kung sobrang nakakaakit ang mukha niya sa kwentong binabasa ko kagabi, mas nakakaakit siya ngayong tunay na ang nasa harapan ko.  "Kung uuwi ka ngayon, pakiiwanan nalang na bukas 'yung gate" Inosenteng tignan si Kasei. At base sa nabasa ko, hindi niya talaga gustong kasama si Luna. At ganoon din naman si Luna. Hindi talaga sila nag-uusap palagi, at kung mag-usap pa'y magbabangayan, pangangaralan ni Luna si Kasei, o di kaya'y pagtatawanan. Kaya naman hindi nila pinapakialaman ang isa't isa.  "A-ano... may mapa ba kayo?" "M-mapa? Anong gagawin mo sa mapa?" "Mapa, papuntang school" "Bakit kailangan mo ng mapa? Eh kabisado mo naman ang lahat ng pasikot-sikot dito. At papasok ka ba?" Nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Kanina kung parang ayaw na ayaw niyang makipag-usap, ngayon ay nagtatakha ang mga mata. Siguro iniisip nito na nababaliw na ako. Bigla ba namang nag-iba ang Luna na kilala niya.  "Ah! Ahahaha! Ano ka ba! Nauntog kasi ang ulo ko kagabi. Pakiramdam ko hindi ko na matandaan lahat ng alam ko." Parang engot kong sagot. Mukha namang wala siyang pake.  "Really? That's good. That's what you get if you won't stop pestering Akame." Nagmamalaki nitong tugon. "Tsk. Just give me the damn map" "Kunin mo sa study table ko." At tumalikod ito para umalis.  Kung hindi ko malalaman ang dahilan, paano, at anong ginagawa ko rito, kailangan kong gumawa ng paraan. Baka ang kasagutan ay nasa school. Hindi ako pupwedeng matulog kasi hindi naman ako inaantok. Dapat pa akong bumili ng mga gamit, hindi ako makakatulog kung walang nakikitang mukha ni Kakashi sa kwarto ko.  Kinalkal ko ang bag ni Luna. At may nakita akong wallet doon. Napanganga ako nang makitang walang barya roon puro papel! Sa nabasa ko sa kwento, sobrang yaman nina Luna, pero dahil gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, gumagawa siya ng paraan para kumita kahit pa pinapadalhan siya ng pera ng kaniyang mga magulang. 4th Year highschool at kaklase si Akame at Kasei.  Nagkaroon pa ako ng problema, dahil sa hindi marunong mag-ayos o mag-arte si Luna, hindi ako komportable sa kaniyang mga kasuotan. Kahit pa sabihing kasya saakin lahat pati ang uniporme. Ang nangyari'y nagshopping muna ako, nagpunta ng salon, at lunch time ng natapos kaya afternoon classes lang ang mapapasukan ko.  "Ano bang klaseng cellphone ito?..." Pagrereklamo ko sa sarili nang matantong wala ni isang picture, games, at nasa contact ay ang kaniyang mga magulang at kapatid lang ang nakalagay.  Sure, Luna is a strict girl, she's very straightforward, a bookworm, book, book, book, book! At kumakanta siya sa isang park! She's good at playing piano, at dahil hindi naman siya ang leading lady sa nobela na iyon, iyon lang ang ibinigay na impormasyon ng may akda!  Gulat ata ang mga estudyanteng naka tingin saakin. Ang iba'y nagbubulungan. Palinga-linga pa ako dahil hindi ko alam kung saang building ako pupunta. May nadaanan akong babaeng nakatingin saakin kaya naman ay nagdesisyon akong tanungin siya.  "Ahm, do you know this girl's classrom?" Sabay turo sa sarili ko.  Mukha itong naguguluhan pero sumagot parin. Syempre akala nila si Luna ako, ay si Luna nga itong katawan! Pero ako si Yashita!  "E-eh? K-kitora Senpai! That building... Third floor, 5th room. " Nauutal na sagot nito saakin habang nakaturo sa pangalawang building.  Kitora Senpai? Ah, nakalimutan ko ang tunay na pangalan ni Luna ay Kitora. Tinatawag lang itong Luna dahil sa mga mata niyang kasing lalim at liwanag ng buwan.  "Arigatou! (Thank You!)" Pagpapasalamat ko at ngumiti ng malapad habang nakapikit ang mga mata.  "D-d-dou itashimashite! (You are welcome)" namumula pa ito.  Seems like I have to deal with this kids. Argh. Akalain niyo? Gagraduate na sana ako ng college! Tapos bigla akong napunta dito, bumalik pa sa pagiging 4th Year! Aba'y matindi.  "She's acting weird" "Look at her, she changed... a lot?" "It is not allowed to fold the sleeves of our uniform right? Why would Kitora Senpai disobey the 7th rule?" Puro bulungan ang naririnig ko. Inignora ko nalang iyon at pumasok sa ikalimang silid at naabutan kong nagtatawanan doon sina Kasei at Akame. Ang ibang kaklase nila'y napatingin saakin at para pang mga nakakita ng multo. Para akong sinisilaban sa nakikitang pagtawa ni Kasei, for some reason, gusto kong ibuntong ang lahat ng galit ko sakanya dahil sa nangyayari saakin.  "Luna!" Tawag ng isang lalaki saakin.  Namukhaan ko agad ito dahil doon sa kwento, ito 'yung bestfriend ni Luna. At pareho pang nerd.  "What is your name again?" I asked, Luna's bestfriend.  Nagulat ito sa tanong ko. May narinig pa akong nagsinghapan at napapaubo. Napatingin din saamin sina Kasei at Akame. Ano bang problema? Hindi ba uso sakanila ang pagtatanong ng panga- nakalimutan ko, ako pala si Luna.  "Aito. Aito Sibun, Luna. Okay ka lang?"  Sobrang dami kong katanungan. Unang-una papaano ako napunta dito. Pangalawa bakit totoo sa paningin ko itong mga anime fictional character sa isang sikat na manga! Pangatlo papaano ako makakabalik? Pang-apat panaginip lang ba ito?  Dumating ang teacher na naguguluhan parin ako. Imbes pa na makinig, inabala ko ang sarili ko sa pag-iisip. Kaya naman muntik na akong atakihin sa puso nang tawagin ako ng teacher.  "Bakit po, sir?" Nagtatakha kong tanong. Nakarinig ulit ako ng mga singhap. What again?  "S-sir?" Medyo pagalit na tanong ng teacher. Mali ba?  "It is so clear that you are not paying attention to our classes, Kitora." "I-i'm sorry, sir!" Kabado kong sagot.  Paano kasi nanliliksik ang mga mata! "Sensei! You.Adressed.Me.SENSEI!" Pasigaw nitong untag.  (In Japan they addressed their teacher 'Sensei' and their senior 'Senpai')  Napangiwi ako.  "Because of that, I will give you a simple question! Answer it or you'll be kicked out in my classroom, right now!" Tumingin ako sa paligid at lahat sila'y pasekretong tumitingin saakin. Maliban kay Kasei na seryoso akong tinititigan habang nakakunot ang kaniyang noo.  "What have you learned on our 5th lesson?" "Nothing." Diretso kong sagot.  Kasi wala naman talaga!  "Nani?! (What?!)" Galit na galit na sigaw ni sir.  Napangiwi ako.  "Get out of my class!" "H-huh? But..." "Get out! Now!" Oh-oh! Mukhang hindi maganda 'to. Matalino pa naman si Luna rito pero mukhang masisira ang image niya dahil saakin. I need to go back to my own body! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD