SIMULA
Ang nilalang ang siyang gumagawa ng kanyang kapalaran.
Si Kamatayan naman ay tagasundo at tagalista lamang.
Walang sinuman ang makakapagpabago kapag itinala na sa kwaderno:
Ang pangalan ng isang tao, sa ayaw man niya o gusto.
Ngunit ang isang batas ay makakayang suwayin,
Kahit na ang pinakamakapangyarihan nilalang ang kakalabanin.
Mailigtas lang ang minamahal, lahat ay kayang gawin.
Paano kung isang araw pangalan mo ang siyang buburahin?
Pagsubok na kahaharapin ay iyo bang kakayanin?
Ngunit ang takot ay maaari ng ignurahin,
Sapagkat kasama sa hamon ng buhay ang mga kaibigan
Na nariyan sa oras ng pangangailangan.