Pakiramdam ko ay mapuputulan ako ng hininga. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang sa harap nila, saka lang ako bumalik sa reyalidad nang maramdaman ang marahang pagpisil ni Rae sa balikat ko. Nilingon ko siya tapos ay nakita ko ang tingin niya sa akin na may halong pagaalala. Sa tingin ko ay ayos lang sana na nandito sila para makausap ko na rin silang lahat, but I just can’t understand why Kat and her family are here. Are they really close to each other to the point that even on the surprise made for me, they are included? Agad na naman akong kinabahan nang makita si Jag na tumayo, tapos ay pilit siyang ngumiti sa akin kahit kanina lang ay ang lamig ng titig niya. “Hey, why don’t you have a seat?” mahinang tanong niya. I saw how Kat rolled her eyes, she even mumbled s