Malawak ang ngiting ibinigay sa akin ni Jag nang makasakay na kami sa sasakyan niya, sinuklian ko naman iyon. Inaya na niya akong umuwi kanina, pero hindi ko alam kung uuwi na ba talaga kami o may balak pa siyang puntahan. “Ihahatid mo na ba ako?” tanong ko. Honestly speaking, I still don’t want to go home just yet. It’s already eight in the evening, and I still want to be with him. “May gusto ka bang puntahan?” Napanguso ako sa tanong niya, saglit akong natahimik tapos ay marahang umiling. Sa totoo lang ay hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kung sakali. I’ve been here for more than a month now but I am still not familiar with the place. Kaya hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. At isa pa, ang hirap namang aminin sa harap niya na ayoko pang umuwi kasi gusto ko pa siyang