I thought we are going to rest and cuddle right after I asked that, pero gusto pa raw niyang uminom, kaya naman hinayaan ko siya na samahan pa sina Tatang, Mario at Luigi. Lalo na at madalang lang din naman talaga kung makapasyal siya rito, ayoko naman na pati ang oras na dapat ay masaya siyang kasama sila ay kukunin ko pa sa kanya. Ngayong okay na kami, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naiinip ako na panuorin lang sila. God! I missed him so much that I want us alone. At napapanguso ako sa ideyang iyon. Sa tuwing napapatingin naman siya sa akin ay napapangisi siya na parang alam at nababasa niya ang tumatakbo sa isip ko. “Okay na talaga kayo?” Tanong ni Luigi, bumalik kami sa dating pwesto, hindi tumabi sa akin si Jag at hindi ko alam kung bakit. “Oo.” Marahan pang humalakhak si Jag