The next morning, I woke up without Jag on my side, and I think it’s a blessing in disguise because again, I threw up first thing in the morning. Nagmamadali akong pumasok sa banyo at agad na itinodo ang faucet para gumawa ito ng ingay at para walang makarinig na dumuduwal ako. Goodness, I really hate this feeling. Sobrang sakit. Pero alam ko na kailangan ko pang tiisin ito sa mga susunod na linggo, o kung hindi kaya ay buwan. Nang matigil na ay agad akong naligo na rin dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako sa sobrang pawis dala ng pagduduwal. Pagkatapos ay agad akong lumabas ng banyo para makapagbihis na, nagbukas nga ako ng isang pack ng cracker na pinabili ko kagabi kay Luigi at kinakain ko ito habang nagbibihis. And somehow, I think it’s really working. Dahil pagkalabas ko ng banyo