I woke up abruptly and feeling empty the other day. The thought of hurting Jag because of this revenge thing kept me up the whole night. Habang nasa biyahe pauwi ay tahimik na ako dahil ginugulo ako ng text ni Art sa akin. Bagay na ipinagtaka naman ni Jag, mabuti’t naidahilan ko na medyo sumama lang talaga ang pakiramdam ko, ni hindi na nga namin nakain iyong bibingka gaya ng plano kaya nagpasya kami na ibigay na lang iyon kay Inday na agad din naman niyang kinain kagabi rin. Sa totoo lang ay medyo nanghinayang ako dahil gustong gusto ko na talagang matikman iyon. Well, Art sure knows when to ruin my mood. Wait, why am I even blaming him just because I wasn’t able to eat bibingka? It’s what I asked him to do in the first place. Nilingon ko ang wall clock at nakitang alas siyete pa lang