Natapos ang niluluto nila nang mag-aalas seis na ng gabi, medyo natagalan dahil sa dami nilang inihaw. Pero pagkatapos naman no’n ay magkakasama na kaming nakaupo at masayang nagkukwentuhan habang silang tatlo ay nag-iinuman, Madalas pa akong napapangiti dahil halos hindi na tanggalin ni Mario ang pagkaka-akbay niya kay Luigi, paminsan minsan ay nagsusubuan pa sila ng pulutan. Nakakatuwang isipin na ginawa nila ang sinabi namin ni Jag, ang magpakatotoo sa kanilang mga sarili habang nandito kami. Alam naman kasi namin na matagal na nilang gustong gawin ito, at kung may pagkakataon at wala silang masasaktan ay alam namin na ipagsisigawan nila iyon sa buong mundo. Pero naiintindihan din namin kung bakit sila natatakot, dahil nga maraming mata ang mahilig magmalinis at manghusga, at bukod do