Chapter 41

2124 Words

What I heard last night from Mario and Luigi kept me up the whole night. Makakatulog man ako ay saglit lang tapos ay magigising na naman ako. Naging putol putol iyon. Namamahay na ako at mas nahirapan pa akong magpadating ng tulog dahil sa nalaman ko. Kinausap ko rin sila kagabi, at inamin naman nila sa akin ang lahat. Sinabi nila na matagal na nilang alam at nararamdaman na hindi lang pagiging magkapatid ang pagtingin nila sa isa’t isa, na higit pa doon. Pero pinilit nilang ibaling sa ibang mga bagay ang atensiyon nila dahil alam naman nila na mali. Tama nga naman sila, mali iyon sa mata ng lahat lalo na at lumaki sila na magkasama, pinalaki sila ng iisang magulang bilang magkapatid kahit na hindi naman talaga sila magkadugo. Bukod pa doon, ay tiyak na sasama ng sobra ang loob nina Nana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD