Chapter 33

2027 Words

At kagaya ng napagusapan, kinagabihan ay nag-bonfire ulit sila at uminom sa tabing dagat. Hindi ko alam pero bago pa kami makarating sa kinaroroonan naming ngayon, at bago pa kami matapos sa pagkain ay nakaramdam na ako ng p*******t ng ulo. Siguro ay dahil sa init kaninang tanghali at dahil na rin sa pamamalagi naming sa isla ng matagal habang tanging puno lang ang ginawang silong pang-protekta mula sa init ng araw. Idagdag pa ang ideya na nababasa kami ng tubig dagat habang bumabiyehe pabalik sa resort. Pero bago kumain ay hindi ko naman masyadong nararamdaman ang p*******t ng ulo ko. Siguro ay napagod lang ako at kailangan ko na itong ipahinga, ayoko naman na sabihin pa ito kay Jag, ayoko siyang magalala, at bukod doon ay gusto ko na mag-enjoy siya kasama ang mga kasama naming ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD