Hindi na ako nag-abalang habulin si Jag o tawagan man lang siya nang iwan niya kami. Alam ko naman kasi na galit siya at hindi niya ako papakinggan, maybe I’ll just try calling him some other time. “Ate, sorry po talaga. Dahil sa akin pati kayo ni Kuya nag-away pa.” Paulit ulit na saad naman ni Luigi, paulit ulit ko rin namang sinasabi sa kanya na hindi niya kailangang humingi ng tawad dahil wala siyang kasalanan. I don’t want him to think that the thought of Jag is bothering me, especially he needs me now. Ayoko naman na mas dumami at dumagdag pa iyon sa mga bagay na nagpapagulo sa kanya. “Normal naman na magalit si Jag dahil nag-aalala sa ‘yo iyong tao, at isa pa, iniisip niya sina Nanang. Intindihin na lang natin siya, Gi.” Marahan namang tumango si Luigi sa sinabi ko. “Alam ko nama