Pagkatapos naming nag-agahan ay nanatili lang kami sa unit niya, sa living room kami tumambay at nanuod ulit ng kahit ano lang na pwedeng panuorin. Kung tutuusin, madalas ay naiinip ako sa ganitong gawain. Especially I got used to working real hard, I feel like I don’t want to waste even just a single minute of sitting down, doing nothing. Bukod pa ro’n ay naiinip ako. But right now is a completely different thing. Pakiramdam ko nga ay kahit maghapon kaming tumambay dito, kahit na hindi kami mag-usap, basta magkasama lang kami ay hindi ako maiinip. Damn, I just fell deeply in love with him, that’s the truth. Kagaya ng posisyon namin kagabi ay nakasandal siya sa sofa at naka-taas ang mga paa niya sa lamisita, ako naman ay nakaunan ang ulo sa dibdib niya habang naka-akbay siya sa akin. “A