Nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang sobrang init ng katawan ko at sobrang sakit ng ulo ko, para itong paulit ulit na pinupukpok ng martilyo. I don’t have to ask where I am. Pamilyar ang disenyo ng kabuuan ng silid, pamilyar ang amoy, at alam na alam kong nasa silid ako ni Jag. I completely remembered what happened last night, and I felt so damn stupid for shouting at him. Nadala lang ako ng emosyon ko. I took a glance at the wall clock and saw that it was already eight in the morning. Wala si Jag sa silid at tahimik ang buong lugar, siguro ay pumasok na siya sa trabaho niya. Malamang sa malamang ay nagtrabaho na nga iyon. Bakit niya ako aalagaan kahit na may sakit ako gayong sobra ko siyang nasaktan, hindi ba? I also remembered the way he looks at me last nigh