As I have mentioned, we no longer have to pretend that we’re still fine in front of them, because that night, while having our dinner, Nanang already told them about everything that I told her as well. Kagaya ni Luigi at Nanang ay hindi rin ako hinusgahan nina Tatang at Mario, habang pinaguusapan naman iyon sa hapag ay tahimik lang na kumakain si Jag. Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin at sa tuwing mapapatingin ako sa kanya ay agad siyang mag-iiwas ng tingin. “Ngayong wala na kayo, paano niyan at wala ng extrang kwarto rito?” Tanong ni Nanang nang matapos ang usapin tungkol sa nangyari sa amin ni Jag. “Pwede na po ako sa sofa, Nang. Ayos lang po. Siya na ang sa kwarto.” Saad ko, ngumiti pa ako sa kanila, sabay sabay naman silang napalingon kay Jag. “It’s okay, you