Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ideyang napakabilis naming makarating sa condo unit niya dahil sa bilis niyang magmaneho o ano. Bahagya akong kinabahan sa ideyang maghahalikan kam. Teka, maghahalikan? Napalunok ako sa sarili ko nang maisip iyon. Ano ba ang pumasok sa kokote ko at tinanong ko siya no’n? My Goodness, get a hold of yourself, Jona! Ipinasok niya ang sasakyan sa entrance ng isang malaking building tapos ay dumiretso siya sa parking lot. Nang makahanap na siya ng pwesto kung saan ipaparada ang sasakyan ay sabay kaming bumaba tapos ay naglakad papunta sa elevator. Tahimik naman ako, bahagyang kinakabahan sa pwedeng mangyari. Mas lalo pa akong kinabahan nang hawakan niya ang kamay ko nang bumukas na ang elevator, para hilain papasok doon. I watched him pressed the