Kabanata 32 Sarili Ang Kapalit KAHIT ANONG pigil ni Zelmira ay hindi na naawat sa pagbagsak ang mga luha n'ya. Napasapo na lamang siya sa kanyang mukha habang tahimik na umiyak sa harapan ni Lolo Ignatius. "B—bakit naman gano'n, Lolo? Bakit hindi n'yo man lang ako ginising para... para nakapagpaalam din ako sa mga bata? Ang daya naman." Hikbi n'ya. Masama ang loob niya na umalis si Cain at ang kambal nang wala siyang kamalay-malay. Nahihirapan ang kalooban niya na tanggapin ang hindi magandang balita na bumungad sa kanya sa umaga na 'yon. Pagkatapos ng nangyari kagabi sa kanila ng doktor, ni hindi man lang ba nito naisip na magpaalam sa kanya ng disente? Hindi naman mahirap gawin 'yon, 'di ba? Nakakalungkot na hindi man lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na mayakap at mahalikan s