Chapter 10: Consequences INIWAN ni Bettina ang tray ng pagkain sa kwarto ni Denise, isang linggo na ang lumipas simula no’ng naganap ang kaguluhan sa party pero depressed pa rin ang anak niya. Hindi na nila alam ni Gustavo ang gagawin para lang ayusin muli nito ang buhay niya. Bumuntong hininga si Bettina ng kunin niya ang hindi nagalaw na tray ng pagkain. “Denise, Kumain ka muna baka magutom ka niyan” pagpapaalala niya dito pero wala siyang sagot na nakuha sa anak niya. Tatanggalin na sana niya ang tray when denise opened the door. Nagdire- diretso lang ito palabas nang kwarto at pababa sa salas. Halatang lalabas ito kahit ‘di pa maayos ang pakiramdam n’ya. She saw the pending desperation in her daughters eyes. “Saan ka pupunta ha?” she asked her softly. “Kukunin ko ulit si Daryl, h