Chapter 6: Force TINULAK ni Daryl si Denise nang nagpumilit itong halikan siya. “Ano bang ginagawa mo ha?” tanong ni Daryl sa kaniya. “Pinapakita ko sayo na mahal kita.” Sagot niya dito at muling inilagay ang kamay niya sa shoulders ni Daryl para halikan muli ito pero pinigil siya nito. “Kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin, naiintindihan mo ba ‘yon?” “Pero mahal kita, at gagawin ko ang lahat para sa’yo!” sagot ni Denise sa kaniya. Kinuha ni Daryl ang tuwalya malapit sa kaniya at binalot ito sa hubo’t hubad na katawan ni Denise. “Ano pa bang gusto mong gawin ko para makita mo bilang babaeng mamahalin mo? Kaya kong gawin lahat ng magpapaligaya sayo Daryl, Ikaw pa lang ang minahal ko ng ganito kaya please mahalin mo rin ako.” Pagmamakaawa niya sa binata itong pero inilabas lang s