Final Chapter ISANG LINGGO, walang sawa si Daryl na naghihintay sa labas ng transcient house nila ni Denise. Hindi man lang ‘to umalis ng bahay, he doesn’t have any idea what Denise was doing inside that house. Hindi niya ‘to maiwan kaya naisip niyang tumira na lang sa camp na nai-set up ni Denise para sa kanya sa labas ng bahay na ‘yon. Total, binigay naman na ni Denise ang wallet niya, umaalis na lang siya para bumili ng pagkain. Hindi niya hahayaan na iwanan mag-isa si Denise sa mga pinagdadaanan nito. It’s his fault in the first place, ku’ng bakit ganoon na mag-isip si Denise. Nasaktan niya ito ng lubos dahil sa kaniyang mga desisyon dati. He broke her innocent heart. She might be a wild rose pero sobrang inosente nito sa pagmamahal. Nakatayo siya sa harap ng pintuan habang nakad