Chapter Sixteen Sasabihin ko na ba kay Ervir ang lahat? Sasabihin ko ba sa kanyang magpapanggap lang naman kami ni Mark pero kami pa rin naman talaga? Papayag kaya siya? Bumubwelo nalang si Baby. Kumukuha siya ng tamang tyempo upang magtapat sa kasintahan. "Ang ganda talaga ng sunset no? Kung minsan talaga maganda ang goodbyes. Magtatago lang kayo sa dilim pero sigurado namang sisikat pa rin ang bagong bukas." Sambit niya. Hindi niya rin nagawang magsabi. Magpapaligoy-ligoy muna siya at kukuha ng senyales kung dapat na ba talaga siyang magsabi rito. "Halaa... bakit goodbye ang nasabi mo dyan?" Nagduda agad ito. Kilalang kilala na siya ng nobyo. Mabuti na lamang at lagi siyang nakakalusot dito. "Yun kasi ang symbolism ng sunset di ba? Ano na naman bang iniisip mo?" "Ala