S.I.S.C. 19: TRAINING PRINCE'S POV (Junior Agents Kiel) pangatlong araw na ng training namin. at kasama na naming nagte-training ang kapatid ni Nathan na si Nathalie. sabi ni Mharvy, agent din si Nathalie pero hacker lang sya ng mga system ng target at hindi nya kailangang sumabak sa field. pero pinilit sya ni Mharvy na sumama sa training namin kahit na labag sa loob ng tao. hindi naman mahirap ang training namin dahil kailangan lang naman naming umakyat sa hagdanan ng hotel nila from ground floor hanggang 20th floor ng may ankle weights. san ka pa, dali lang di ba? sa sobrang dali, mamamatay kami sa hingal. pero nakakamangha dahil yung magpipinsan, kayang akyatin ang hagdan sa loob lang ng 10minutes. nganga kami dun kaya hindi kami sumusuko. may banta ba naman kasi na kapag hindi