TREVOR POV " What is this?" tanong ko. "Open it nandiyan lang naman ang kasagutan sa katanungan mo kung nasaan ang mahal mong Anastacia. Kung bakit kasi ayaw mong ipahanap. May pera ka naman. So ako na nagvolunteer mas marami akong pera sa iyo" sabi ni Chris. Sinamaan ko siya ng tingin. Sinabi ko bang hanapin niya. Asshole talaga. Kinuha ko ang laman niyon. May mga pictures at information kung saan tumitira si Anastacia. May picture si Anastacia kasama ang isang babae at lalaki na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na sila. Hindi ako nagkakamali sila yung nakita ko sa clinic na may hawak na baby. Bigla akong binundol ng kaba. Hindi kaya ang hawak niyang baby ay ang anak namin ni Anastacia. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko ng makita ko ang baby. Hindi ako nagkakamali na naroon d