Trevor POV Sa limang taon naming pagsasama ni Anastacia naging masaya kami. hindi pa nasundan si Matthew. Kaya umaasa kaming mabubuntis na si Anastacia. Pero kung hindi man siguro hanggang isa lang talaga ang anak namin. Mula noong nagtatlong taon si Mattew we decided na huwag ng mag pills si Anastacia para makabuo na kami. Ngunit hindi naman nangyari. " May sasabihin ako." Wika ni Anastacia sa akin. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. " What is it asawa ko?" Bigla akong kinabahan. Hindi naman kasi ganito si Anastacia. She used to be jolly and kaagad na kakandong sa akin. Kaya naninibago ako sa ikinikilos niya. " Maghiwalay muna tayo." Natigilan ako sa sinabi niya. " B-bakit? Anong nagawa ko at nagdesisyon kang maghiwalay na tayo?" Sumalubong ang kilay niya sa akin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books