Episode 15

1128 Words

ANASTACIA POV " Bakit parang galing ka ng sakit?" tanong ko kay Gregorio. Mukha kasi siyang puyat at na dehydrate. " Nag LBM ako ng buong araw. Galing kasi ako sa kaibigan hindi ko akalaing mapapasabak ako sa inuman. Ibang klaseng inumin nga lang iyong nilaklak namin at ang pulutan kakaiba." napailing si Gregorio na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi niyang pulutan. " Dapat uminom ka ng diatabs para mawala ang paghilab. Tsaka drink more water" sabi ko. Inilapag ko muna si Matthew sa kuna nito dahil nakatulog na sa pagdede. " Kumusta naman kayo dito sa condo ni Daphne? Nasaan pala ang babaeng iyon?" tanong niya sa akin. " Pumunta siya ng grocery wala na kasing supply dito" sabi ko. May iniabot na box si Gregorio.Kinuha ko iyon. " Salamat hindi ka na sana nag-abala" sabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD