KASALUKUYAN AKONG NAKAUPO sa isang bangko sa may cafeteria kasama si Jarah nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Inilabas ko naman ito agad at nakita ang mensahe mula kay Stormy. Stormy: Susunduin kita bukas. Kami na nina Ate Karma at Ate Alison ang magme-make up sa ‘yo. Ako: Sige, Ate Stormy. Salamat! Pagkatapos no’n ay wala na akong natanggap na mensahe mula sa kanya. Tumingin ako kay Jarah na ngayon ay abalang nakatitig sa cellphone niya at may suot pang headset. “s**t!” nagulat ako nang sumigaw siya. “What happened?” alalang tanong ko. “S-Si Cheong, nabaril.” Sinimangutan ko siya sa sinabi niya. “Jaruray! Akala ko naman kung napano ka na.” Saad ko. Nai-k’wento na niya sa akin minsan ang tungkol sa bagay na ito kaya alam kong kdrama ang pinapanuod niya. Pinanuod ko