Melira’s POV
Sa wakas, I can finally chill. It’s time to have fun. I’ll take a break from my work as a famous artist. I deserve this, after all, my job has been non-stop. Sa totoo lang, dati sobrang pangarap kong maging isang sikat na artista. Ang dami kong pinagdaanan para marating ang ganitong kasikatan.
Before, I used to think that it would be so much fun to be the center of attention and have people going crazy over you. It must be delightful to always be trending on social media. It must be wonderful to step outside and have people approach you, wanting to take pictures with you. Pero nung maranasan ko na lahat ng ‘yun, hindi rin pala masaya. Habang tumatagal, nawawalan ka na ng kalayaan. Bakit ko nasabi? Dahil kailangan kapag nasa labas ka, maingat ka sa mga bawat na kinikilos mo. Maraming bawal. Kasi kaunting pagkakamali lang, lagot ka, pagfi-fiesta-han ka agad ng buong Pilipinas.
At naranasan ko na ‘yan ng isang beses. May nakarinig kasi na isang lalaking staff sa isang restaurant tungkol sa pagka-allergy ko sa bawang, hindi ko namalayan na nasa malapit lang namin siya. Kausap ko noon si Ate Gigi. Nang marinig ng staff na ‘yun ang tungkol sa allergy ko, agad itong kumalat. Nag-trending talaga ako. Iyak ako nang iyak buong araw dahil sa kahihiyan. Sobrang nagalit sina Mama, Papa at Samario sa staff na nagkalat ng tungkol sa allergy ko kaya naman hindi sila tumigil sa paghahanap sa kaniya. At nang makita nila ang taong ‘yun, pinakulong siya nila Mama at Papa. What he did was wrong. Even if he pleaded with us, I didn’t take pity on him because maling-mali kasi talaga siya. Secrets like that should not be spread around. Sorry siya, pero tinuloy namin ang pagpapakulong sa kaniya. When you commit a sin, you really have to pay for it.
Ang kinakatakot kong mangyari ay ‘yung mapatunayan ng mga tao na may allergy nga talaga ako sa bawang. Marami ang hindi naniniwala, pero may iilan na naniniwala. Kahit ang totoo ay totoo talagang may allergy ako sa bawang dahil namana ko ito kay Papa Melecio. Kaya kapag lalabas talaga ako ng bahay at kakain sa mga restaurant, ingat na ingat ako sa mga pagkaing kinakain ko. Minsan, hindi rin talaga ako kumakain ng hindi ko alam kung paano ‘yun niluto. Kaya naman hindi rin talaga puwedeng mawala sa tabi ko ang personal chef kong si Ate Kuki. Siya ang tagaluto ng pagkain ko. Kasa-kasama ko ito sa lahat ng pupuntahan ko, lalo na kapag may mga shooting ako. Malaki ang pasasalamat ko sa team ko. Si Sir Leo, Manong Brent, Ate Kuki at Ate Gigi. Silang lahat ang nakakaalam ng allergy ko. Hanggang ngayon, nanatili pa rin itong sikreto kahit matagal na nilang alam ang tungkol dito. Pinagkakatiwalaan ko sila dahil sila rin ang tumutulong para makaiwas ako sa bawang. Mabuti na lang at nakahanap ako ng mga tauhan ko na sobrang bait at sobrang mapagkakatiwalaan.
“Naroon na sa loob ng sasakyan ang lahat ng gamit mo, Miss Melira,” sabi sa akin ni Ate Gigi. Personal alalay ko.
Ngumiti ako sa kaniya. “Salamat, Ate Gigi. Sa wakas, makakapamahinga ka na rin. Take a five-day vacation to the place you want to visit. I know you’re also tired from working with me. Deserve mong mamahinga rin,” sabi ko sa kaniya. Nilapitan ko siya at niyakap pa. Sa ibang tao lang ako nagtataray, pero pagdating sa mga tauhan ko, love na love ko sila.
“Ay, naku, Miss Melira, ang totoo niyan ay gusto kong sumama. Natatakot kasi ako na baka makakain ka ng bawang. Mag-ingat ka sa mga kakainin mo doon ah?” paalala pa niya.
“Ate Gigi, sabi ko mamahinga ka, hanggang ngayon ako pa rin ang inaalala mo. Diyan ka na nga, alam ko naman na ang mga dapat kong gawin,” sabi ko kaya tinawanan na lang niya ako. “Tara na po, Manong Brent,” aya ko naman sa driver ko paglabas ko sa bahay.
Naunang naglakad si Manong Brent para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
“Si Kuki ba ay hindi ninyo kasama, Miss Melira?” tanong sa akin ni Manong Brent pagpasok ko sa loob ng artista van ko.
“Hindi po, kaming magkakaibigan lang ang magkakasama, wala kaming mga kasamang kahit sino dahil bonding naming magkakaibigan ito,” sagot ko sa kaniya.
Napalingon siya sa akin matapos marinig ang sinabi ko. “Eh, paano ho ang mga kakainin ninyo? Baka makakain ka ng pagkaing may bawang ah?” pag-aalala rin niya.
Napairap ako pero nakangiti naman. “Don’t worry, Manong Brent, nariyan naman ang mga kaibigan ko. Even when you’re not around, someone will still remind me about my allergy,” sagot ko sa kaniya.
Ihahatid lang ako ni Manong Brent sa bahay nila Jada, ang friend kong sikat na vlogger. Sasakyan niya kasi ang gagamitin namin dahil may malaki siyang van na saktong-sakto sa aming apat nila Jelena at Kaylani. Gusto ni Jada na siya ang maging driver namin. Magba-vlog daw kasi siya dahil magandang gawing content ang pagbabakasyon namin. Nakakainis nga dahil naiba ang lugar na pupuntahan namin. Imbis na sa Batangas para makapag-beach kami, nauwi kami sa Baguio. Hindi kasi puwede ngayon sa tirik na araw sina Jelena at Kaylani. Si Jelena ay may photo shoot next week para sa bagong album na ilalabas niya kaya bawal siyang mangitim, habang si Kaylani naman na sikat na fashion model ay hindi rin puwedeng umitim dahil may pupuntahan siyang runway fashion show sa New york. Kaya ayun, sa malamig na klima kami napunta para hindi raw masira ang kulay ng balat nila. Nakakainis nga eh, kung alam ko lang, mag-isa na lang akong nagbakasyon sa beach. Sana rin ay sina Mama at Papa na lang ang inaya ko, saka si Samario.
**
Pagdating sa bahay nila Jada, ako na lang pala ang hinihintay nila. Binaba na ni Manong Brent ang mga gamit ko at saka sinakay sa sasakyan ni Jada. Lumapit ako sa mga kaibigan ko at saka ko sila bineso.
“Oh, dear, finally, we can leave now,” sabi ni Kaylani. ‘Yung itsura niya mukhang puyat. Wala pa atang tulog ang gaga. Mula sa work ay mukhang dito siya tumuloy.
“Kaylani has been acting cranky for a while now, she’s very sleepy. She wants to sleep na sa biyahe,” Jada said with a laugh.
“Sorry, Kaylani, it took me a while because I had to prepare my things. You know me, I check my stuff five times, I don’t want to forget anything, alam mo naman na doon nag-iinit ang ulo ko,” I explained to her.
Ngumiti siya pero pilit. Talagang wala na siyang energy. “Okay lang, ang mahalaga ay narito ka na. Makakaalis na tayo,” sagot niya. Kaylani can be so irritable and demanding when she’s tired and hasn’t had enough sleep. After I explained to her, she was the first to get on the van. She was really eager to leave, so sumakay na rin kami isa-isa sa van.
Bago kami umalis, nag-lead muna ng prayer si Jelena. At siyempre, bago rin umandar ang sasakyan, nag-intro na muna si Jada para sa vlog niya. Ayon, lalo nang hindi maipinta ang mukha ni Kaylani dahil ang dami talagang eksena bago kami makalakad.
Nang sa wakas ay pinaandar na ni Jada ang sasakyan niya ay pumikit na ang mga mata ni Kaylani. Alam naman namin ang pakiramdam ng pagod at walang tulog dahil sa sobrang busy sa trabaho kaya nakisama na rin kami sa kaniya. Nahawa na lang din tuloy kami ng tulog sa kaniya. Pare-pareho kaming natulog sa biyahe, bukod kay Jada na driver namin. Kawawa, wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang mag-music na lang, pero mahina lang dahil ayaw din nitong maistorbo ang tulog ni Kaylani. Mas lalo kasing magiging dragon ‘yan kapag naistorbo ang tulog nito.
**
Jada let out a loud scream. All of us immediately opened our eyes wide in surprise. Pagtingin namin kay Jada, nakaharap na sa amin ang camera niya.
“Hoy, mga princessa, narito na tayo sa Baguio. Ano, tulog na lang ba ang gagawin ninyo?” sabi niya habang natatawa. Panay naman ang takip namin sa mukha namin dahil hindi namin alam kung may tulo ba kami ng laway. Timawa rin kasi minsan itong si Jada. May minsan na nag-vlog siya, sinama ba naman ang mga itsura namin habang tulog. Lahat pa naman kami nila Kaylani at Jelena ay nakanganga habang natutulog, eh ‘di ‘yun, trending at kumita ang gaga dahil ang daming nanuod ng vlog niya. Kaya isa rin ito sa gustong-gusto na may out of town kaming magkakaibigan, nagkakaroon kasi siya ng magandang content na alam niyang panunuorin ng mga tao dahil kasa-kasama niya sa vlog niya ang mga kilalang celebrity sa Pilipinas.
Tinignan ko si Kaylani. Natawa ako nang sumilay na sa mga labi niya ang maganda nitong ngiti. Sa wakas, nakapag-charge na ang gaga. Nasa mood na siya ngayon.
“Is that your house, Jada?” Jelena pointed to a luxury villa in front of us.
“Yes, so what are you all waiting for? Get down and bring your belongings as well. Remember, we don't have any helpers now, so you should learn to carry your own things,” Jada said with a laugh, then she was the first to get off her vehicle.
Sumunod na kami sa kaniya sa ibaba. Mabuti na lang at medyo tago ang bahay na ito nila Jada. Walang tao sa labas kaya malaya kaming makakalabas kahit wala kaming suot na pang-disguise.
Binuksan ni Jelena ang pinto sa likod ng sasakyan. Isa-isa na naming binitbit ang mga maletang dala namin. Sa akin dalawa, hindi puwedeng isang maleta lang dahil marami akong mga gamit na dala-dala kapag may ganitong out of town.
Upon arriving inside Jada’s house, we couldn’t contain the joy we felt because finally, we are free to do whatever we want in this big villa. We can get drunk, we can do things we can’t do outside, we can make noise, we can undress, why not, we’re all girls anyway.
“Kayo nang bahalang pumili ng bedroom ninyo, may sampo akong bedroom dito, feel at home na lang at kailangan ko namang matulog, inaantok na ako, nakakapagod din ang mag-drive paakyat dito sa Baguio,” sabi ni Jada kaya hinayaan na lang namin siya.
Ngayon, dahil kaming tatlo nila Kaylani at Jelena ang energetic dahil nakatulog kami sa biyahe, mag-uumpisa na agad kaming magsaya. This rarely happens, so I will really make the most of our five-day stay here in Baguio.