bc

Tale Of The Crowned Queens

book_age16+
58
FOLLOW
1K
READ
adventure
goodgirl
brave
confident
fairy
female lead
magical world
another world
others
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Prince and Princess.

King and Queen.

They are for each other in this magical world.

What if this rule ruins a queen's good heart?

Will another queen rise or an ordinary girl deserves the crown this time?

|TAGALOG STORY|

chap-preview
Free preview
KABANATA 1 ( Ang Simula )
Sa isang kaharian na tinatawag na Bilona, makikitang nagtipon-tipon lahat ng Engkantado at Engkantasa. Engkantasa ang tawag sa mga babae roon dahil sila ay kalahating Engkantada at kalahating Parisa. Parisa ay ang tawag sa mga naninirahan sa Garnaya. Tanging mga taga Garnaya at Bilona lamang ang nagkakahalubilo. Sa pinaka sentro ng kaharian ng Bilona ay naroong nakatayo ang hari at reyna na sina Haring Felipeo at Reyna Araya. "Tinipon ko kayong lahat na Engkantado at Engkantasa upang ipaalam sa inyo ang nalalapit na pamamaalam namin bilang inyong hari at reyna dito sa kaharian ng Bilona. Pero alam naman nating lahat ang patakaran bago kami tuluyang maglaho ay kinakailangan munang maipahayag namin kung sino ang susunod na uupo rito bilang hari at reyna. At alam na rin nating lahat na ang nakatakdang maging reyna ay si Polaya sapagka't tinataglay niya ang sinag na kaloob ni Prina," mahabang pahayag ni Haring Felipeo. Tanging mga babae lamang ang nagtatalay ng sinag na binanggit ni Haring Felipeo at sila na nga ang nakatakdang papalit na reyna sa kung sino mang kasalukuyang reyna ng Bilona. At nakatakdang hari naman ay ang lalaking anak ng hari at reyna. Tanging lalaki lamang ang kaloob na anak sa hari at reyna. Si Polaya ay ang Parisa na kinakitaan ng markang puti sa kaliwang tagiliran nito o ang tinatawag na sinag. Ang marka ay mula sa nilalang na kalahating lalaki at kalahating babae, ang binanggit ni Haring Felipeo kanina, si Prina. Nangangahulugang ang sinag ay galing sa kanya upang palatandaan na pinili niya ang babaeng iyon upang sumunod na reyna. "At ang nakatakda namang maging hari ay isa sa anak namin ni Felipeo. Isa kina Prinsipe Solomon at Prinsipe Abraham ang magiging hari. Kung sino sa kanila ang magwawagi ay siyang magiging hari at kabiyak ni Prinsesa Polaya," sabi naman ni Reyna Araya. "Bukas nang gabi, kung sino ang pinakamalakas ay siyang tatanghaling bagong hari at magiging kabiyak ni Polaya," pagtatapos ni Haring Felipeo. Nang matapos ang pagtitipon ay dalawang anino ang makikitang sumasalisi papunta sa kristal na balon. Nasa kristal na balon ang k'wintas ng kapangyarihan. Ang k'wintas na nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan ng mga elemento. Dito nagtagpo at nagyakap ang dalawang anino. Tanging ang k'wintas na nasa loob ng kristal na balon ang naging saksi sa lihim na pagniniig ng dalawang nilalang na iyon. At ito ay walang iba kundi sina Prinsipe Solomon at ang nakatakdang maging bagong reyna, si Polaya. Nang muling maibalik ang kanilang mga saplot ay magkatabing naupo sa tabi ng making bato ang dalawa. "Paano kung hindi ako ang tanghaling bagong hari bukas nang gabi?" nag-aalalang tanong ni Prinsipe Solomon kay Polaya. Biglang tumayo si Polaya bago sinagot si Prinsipe Solomon. "Sikapin mong magwagi bukas, Solomon. Dahil oras na hindi ikaw ang tanghaling bagong hari, kalimutan mo nang nagmamahalan tayo," mariing sabi ni Polaya. Pagkarinig sa sinabi ni Polaya ay napatayo ito. "Ibig mong sabihin, tatalikuran mong pagmamahalan natin makamit mo lang ang k'wintas na iyan? Upang mapalakas lalo ang taglay mong kapangyarihan?" dismayadong tanong nito habang nakaturo sa kristal na balon. "Oo! At upang tingalain bilang reyna ng bilona!" matapang na sagot ni Polaya. Lumapit si Solomon at mariing hinawakan sa magkabilang balikat si Polaya. "Maaari naman tayong tumakas kung sakaling hindi ako ang tatanghaling hari bukas, Polaya. At ikaw ang nabigyan ng sinag mula kay Prina. Tataglayin mo pa rin ang kapangyarihan ng k'wintas!" pangungumbinsi niya sa bagong reyna. Iwinaksi ni Polaya si Prinsipe Solomon at tumalikod. Inilingon lang nito ang ulo sa prinsipe at nagsalita. "At pagkatapos? Kapag nahuli tayo ay labinlimang taon tayong ikukulong sa yungib ng mga makasalanan? Hindi maaari, Solomon! At tunay ngang tataglayin ko pa rin ang kapangyarihan ng k'wintas dahil nasa akin ang sinag pero hindi ganoon kalakas kung hindi ko naman maisusuot ang k'wintas ng kapangyarihan! Kaya't sikapin mong magwagi sa paligsahan bukas, Solomon! Dahil oras na hindi ikaw ang magwagi, kalimutan mo nang nagmamahalan tayo dahil oras na ang kapatid mo ang nagwagi, pag aaralan ko na lang siyang mahalin!" matatag nitong sabi. Pagkasabi niyon ay dali-daling iniwan ni Polaya si Prinsipe Solomon. Wala namang nagawa si Prinsipe Solomon kundi sundan na lang ng tingin si Polaya. Lingid naman sa kanilang kaalaman, isang nilalang ang nakarinig at nakasaksi sa ginawa at pinag-usapan ng dalawa. Kinaumagahan sa Kaharian ng Garnaya... Ang kaharian ng Garnaya ay parang isang disyerto. Ang kanilang bahay ay mga gawa sa puno at mga dahon lamang. Maluwang ang loob ng bawat bahay na nakatayo roon at mistula ring kaharian sapagka't ang kanilang mga palamuti ay gawa sa ginto. Sila ang mga nilalang na may pinakamaraming ginto. Sa kanila kumukuha o bumibili ang iba pang mga kaharian. Kalat lamang ang mga ginto sa Garnaya ngunit wala kahit sino man ang magtatangkang magnakaw sapagka't ang gintong hindi kusang binigay ng mga taga Garnaya ay magiging bato. Kahit na sagana sa ginto ang mga taga Garnaya ay hindi nila nagagawang yari rin sa ginto ang kanilang tahanan bilang pagkilala pa rin o pagrespeto sa kaharian ng Bilona. At ang isa pang dahilan ay mayroon ng kaharian na gawa sa ginto. Iyon ang kaharin ng Morne. Habang naglalakad ay nag-uusap ang magkabiyak na sina Adlino at Dana. Ito ang ama't ina ni Polaya. Si Adlino ay isang engkantado at si Dana ay Parisa. Sa kaharian ng mga Parisa at Pariso ay walang tinatawag na hari at reyna. Pantay pantay lang sila rito lahat. Ang mga engkantado na nasa Bilona ay kalimitang nakakahanap ng kabiyak o mapapangasawa sa Garnaya. At kapag ang mga engkantado na hindi naging hari ay nakahanap na ng kabiyak, sila ay obligadong lisanin ang Bilona at manirahan sa Garnaya kasama ang babaeng minamahal nito. "Natanong mo na ba ang ating anak kung sino ang napupusuan niyang maging kabiyak kina Prinsipe Solomon at Prinsipe Abraham?" tanong ni Dana sa asawa. Bumuntung hininga si Adlino bago sumagot. "Hindi ko na nagawang tanungin si Polaya sa kadahilanang biglaan ang pgpapatawag sa kanya sa kaharian ng Bilona." "Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ipanalangin kay Prina na ang magwagi mamayang gabi ay ang napupusuan ni Polaya," ani Dana. Siya namang bungad ng bunsong anak nila na si Laksana. "Ina... pupunta po ba kayo sa mangyayaring paligsahan sa kaharian ng Bilona mamayang gabi?" Hindi lingid sa mgkabiyak na tinatangi ng bunso nila si Prinsipe Abraham. "Oo, Laksana. At makabubuti sa iyong 'wag ng sumama," sagot ni Dana sa anak. "Ngunit ina--" Hindi na natapos ni Laksana ang sasabihin dahil pinutol na ito ng kanyang ama. "Tama ang iyong ina, Laksana. Makabubuti sa iyong 'wag ng sumama." Hindi na nagawang sumagot ni Laksana dahil tumalikod na ang ama. Tinapik naman siya ng ina sa balikat upang ikonsuwelo. Kinagabihan sa kaharian ng Bilona... "Ako ang magpapahayag sa paligsahang ito. Sino man kina Prinsipe Solomon at Prinsipe Abraham ang unang makapatay ng limang ibon na aking pakakawalan sa kagubatan ang magwawagi at tatanghaling kabiyak ng ating bagong reyna, at tatanghaling bagong hari ng Bilona," pagpapaliwanag ni Karta. Si Karta ang isa sa mga pinagkakatiwalaan doon sa kaharian ng Bilona. Ang kagubatang sinasabi ay sadyang likha lamang ni Prina para sa paligsahan. Magmimistula itong kagubatan na nasa loob ng malaking bolang kristal kaya naman malayang mapapanood ito ng mga naroon. Maglalaho rin ito pagkatapos. Ito ay madilim na gubat, na susukat sa bilis, at pakiramdam ng maglalaban. Ang ibon na kailangan nilang patayin ay maliliit lamang kaya naman kinakailangan ng diskarte ng magkapatid. At inumpisahan nga agad ang paligsahan. Naroon din sa paligsahang iyon ang mag asawang Adlino at Dana. Pero lingid sa kanilang kaalaman ay naroon din si Laksana. Gamit ang espada ng magkapatid na prinsipe ay inumpisahan nilang pumatay ng ibon. Naging mabilis ang pangyayari. Naunang nakapatay ng limang ibon si Prinsipe Abraham samantalang si Prinsipe Solomon ay kataka-takang isang ibon lamang ang napatay nito. "Malinaw po nating nasaksihan na si Prinsipe Abraham ang nagwagi. Kaya't ikinagagalak kong ipahayag sa inyo na siya na ngayon si Haring Abraham! Ang magiging kabiyak ni Reyna Polaya!" masayang pagbabalita ni Karta. Nagpalakpakan ang lahat ng nakasaksi doon maliban kay Laksana dahil sa pamimighati nito na ang lalaking tinatangi niya ay kabiyak na ngayon ng nakatatandang kapatid. "Tinatawag ko ang Haring Felipeo at Reyna Amaya upang ibigay ang kanilang korona sa bagong hari at reyna," si Karta. Nang maibigay na ang korona sa kanila at mapaupo na sila sa trono ng hari at reyna ay lumapit na si Karta kay Reyna Polaya upang ibigay dito ang k'wintas ng kapangyarihan na nagtataglay ng kapangyarihan ng iba't ibang elemento. Masaya ang awra ni Reyna Polaya na parang hindi na nito naaalala ang tunay na minamahal. Samantala ay makikitang blangko ang ekspresyon ng mukha ni Solomon. Maya-maya ay bigla na lamang itong napangisi na waring may ipinagdiriwang na iba.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.4K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook