Parang nawasak ang puso ni Sugar ng marinig ang sinabi ni Alex, hindi man buo ang paliwanag niya ay bigla siyang napatanong sa kanyang sarili kung saan siya lulugar ngayon sa buhay ni Alex. Kung saan lulugar ang bata na pinagbubuntis niya ngayon. Parang gusto niyang sabihin kay Alex na bawiin nito ang kanyang sinabi. Na hindi totoo ang sinabi nito. Anong laban niya sa relasyon noon ni Alex at Skylar na niyaya pa nito ng kasal. Tapos ngayon malalaman niya na may anak pa ang dalawa. "Totoo ang sinabi niya, may anak kami pero wala na. Nawala na ang baby namin dahil sa kasalanan ko." Sabi ni Alex kaya napa-angat ang tingin ni Sugar kay Alex. Ngayon naman ay may nabuong tanong sa isipan niya kung ano nga ba ang nangyari. Awa dahil kita sa mukha ni Alex ang kalungkutan. "Wa