"P*tangina kayong mga lalaki kayo! hindi pa kayo maubos sa mundong ito! magaling lang kayo sa sarap pero pag hirap na mga wala na kayong kwenta! mga salot kayo sa lipunan mga k*ngina niyo!" sigaw ni Candy habang naka-buka ang kanyang mga binti at umiiri. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa panganganak ay halos kumain na ng mura ang mga tao sa loob ng delivery room. Nasa tabi niya si Sugar habang umiiri siya. Nasa labas naman ng delivery room si Alex at Luigi, ganoon pa man ay sa lakas ng sigaw at pagmumura ni Candy ay rinig din sa labas ang mga pinagsasabi niya. "Sis kaya mo yan, kaunti na lang. I-iri mo pa." sabi ni Sugar na sinundan naman ng doctor. "Misis, sige pa, iiri mo pa. Nakikita ko na ang ulo ng bata, kaunti na lang." sabi ng doctor at sa isang senyas ni