"Hahahahah! Seryoso?" Tanong ni Candy nang sabihin ni Sugar ang nangyari sa kanya sa Manila. Ang tungkol kay Alex. "Hindi ko nga alam na bata pa iyon! Susko!" "Hindi naman bata, nasa legal na edad naman na siya Sis. Malaki lang ang Gap mo. Pero sa akin lang ha? Wala naman akong nakikitang mali. Kung wala naman sabit at nagmamahalan kayo edi go. Age doesn't matter na sa panahon ngayon." Napailing si Sugar. Aaminin niyang gusto niya si Alex. Na talagang na-inlove na siya rito sa maiksing panahon na nagsama sila. Hindi naman ganun kadali kalimutan ang kalakihan at galing nito sa kama. Pero mas lalong mahirap kalimutan ang pag-aalaga na naranasan niya rito na wala pang halos nakakagawa sa kaniya. "Hindi ko pa rin kaya na makipag-relasyon sa kanya, Candy. Susko! Isang taon ng