Hindi ako makagalaw. Nanatili kami sa ganoong position at pawang nakatitig sa mga mata ng isa't-isa.
"Are you okay Dannielle? You look scared." Natauhan
ako bigla nang tanungin niya ako, umayos ako ng tayo. Inalalayan niya ‘ko. Napapasong
bumitaw ako mula sa kanyang hawak. Lumingon ako sa paligid ngunit di ko na
nakita ang lalaki. "Dannielle, okay ka lang ba? May hinahanap ka ba?"
Hindi ko siya pinakinggan, iginala ko ang tingin sa paligid hinanap ng mata ko
si Chinny. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko itong sumasayaw ngunit ibang
lalaki na ang kasayaw niya. Sa di kalayuan ay natanaw ko rin si Diesa na kasayaw
parin ang lalaking nakahalikan niya kanina.
Napalingon ako pabalik kay Cale nang hawakan nito ang aking
braso."Dannielle." Di ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na
natakasan ko nga yong mapangahas na lalaki kanina ngunit napunta naman ako sa
lalaking alam ko na ang tunay na ugali.
Hinila ko muli ang braso mula sa hawak niya ayaw pa sana
akong bitawan ni Cale ngunit malakas akong napasinghap ng biglang may tumulak
sa kanya sa dibdib. Sa lakas ng pagkatulak nito'y napaatras ito ng bahagya at natamaan
ng likod niya ang ibang tao sa dance floor.
Itinago ako ni Ryan sa kanyang likod prinoportektahan mula
kay Cale. "f**k off pare!" Naagaw namin ang atensyon ng ibang
nagsasayaw. Itinaas ni Cale ang mga kamay sa ere.
"Chill bro!" Maangas na saad ni Cale. Magkasalubong
ang dalawang makakapal nitong mga kilay. Hinila ko sa braso si Ryan because he
got it wrong.
"Hoy Gago!" May biglang lumapit kasing tangkad ni
Cale. Susugurin sana nito si Ryan ngunit hinarang ni Cale ang isa niyang braso
upang patigilin ito.
"Okay lang ako Miggy!" Tukoy niya doon sa lalaki.
“Hindi! Nakita ko yun!”
"Ryan, let's go! I'm okay! It's not what you think!"
Nakipagsubukan ng tingin si Ryan kay Cale. ‘Di naman sinukuan ng huli.
Magkasinglaki lang ng katawan ang dalawa ngunit mas matangkad nga lang si Cale
ng ilang pulgada."Tara na." Hinila ko si Ryan palayo kay Cale,
sumunod naman si Ryan sa akin. Matagal bago nagbitiw ito ng tingin kay Cale. He
placed his arm around my shoulder, securing me.
"Hala pare diba siya yon? Jowa nya yon? Pangit."
Rinig ko pang saad nu’ng lalaki. Binalak ni Ryan na lingon ang mga ito muli
ngunit pinigilan ko.
Ako ‘yong di nakatiis bigla kong nilingon si Cale. May kung
anong humampas sa puso ko nang makitang seryoso itong nakatitig ito sakin, magkasalubong
pa rin ang mga kilay at nagtatanong ang mga mata.
"Diba sya rin ‘yong lalaki sa restaurant? Tell me, sinusundan
ka ba ng gagong ‘yon?" Ryan's looked so mad. Above all my guy friends si
Ryan itong pinakaprotective but he never acted like this way before.
"Ewan! I couldn't remember." Pagsisinungaling ko.
Nasa may parking lot na kami ng A'choholic. There were still lot of people
hanging outside the bar. Some were already making out at the corner. May ibang
sumusuka na gilid, may inaalayan, ang iba'y tumatambay at naninigarilyo. I
leaned my back on his car. He was standing near across mine, he was smoking.
Nag-aya akong lumabas muna nais kong lumanghap ng hangin. ‘Di
ako makahinga thinking nasa malapit lang si Cale na para bang lumiit ang mundo
naming dalawa bigla. Pinabantayan muna namin ni Russel at Leo sina Chinny at
Diesa.
"That guy really looks familiar na para bang nakita ko
na sya somewh- Oh, f*ck! I remember! " Nag-angat ako ng tingin sa kanya
ngunit di ko pinahalata na nagulat ako sa sinabi nya. He was also shocked di
makapaniwala."He was the guy on your eighteenth birthday! Right?! ‘Yong
ginawan mo ng dare? Diba tama ako?" Nagiwas agad ako ng tingin, hindi ako
tumango o kinumpira ang kanyang sinabi."Oh, f**k! I knew it! Was it really
a coincidence or he was stalking you? Tell me the truth!" He just assumed.
"Siya ba yon? Di ko na matandaan." Pinanindigan ko
na ang pagkasinungaling ko.
"You were attracted to that guy. Right? How could you
even forget?"
"Duh! I was drunk diba and it was a year ago! Baka ikaw ‘yong
attracted doon sa tao at di mo magawang kalimutan! Bakla ka ba!?" Napatawa
ako sa sariling biro pero hindi si Ryan. Sinadya kong ilihis talaga ang istorya.
I was not comfortable talking about Cale baka kung ano pa maikwento ko but my
smile faded when Ryan's mood turned to being serious.
Tinawid niya ang pagitan naming dalawa. Napatayo rin ako ng
tuwid. He was seriously staring at me, kinabahan ako bigla. This was the first
time I witness the other side of him. He put his hand on the top of his car
near my head, cornering me. Hinithit nito ang hawak na sigarilyo sa isang kamay
at nagbuga ng usok pataas, pagkatapos ay binitiwan nito ang hawak na sigarilyo
at tinapakan. Bumaling muli ito sa akin.
He smirked, then, he slowly tilted his head.
"Why not prove it yourself." Okay! That was not a
good joke. Mali ako roon. He slowly lowered his face. Seryoso ba talaga siy? Halikan
niya talaga ako? Unti-unting lumapit ang labi nya, mabilis kong iniharang ang
kamay sa kanyang dibdib at iniwas ang mukha sa kanya.
"Ryan!"Naalarma ako. Sinaway ko siya.Ilang
segundong nanatili kami sa ganoong posisyon, napakunot noo ako ng bigla itong
tumawa at inilayo ang katawan sa akin.
"Ngayon mo sabihing bakla ako." Nakahinga ako ng
maluwag nang lumayo ito. Kinapa ko ang aking dibdib, kinabahan talaga ako.
"Tangina! Kinabahan ako doon. Magkaibigan tayo, walang
talo-talo." Napatigil ito sa kakatawa, tinitigan ako.
"Sayang, plano ko pa sanang ligawan ka?" I know he
was kidding, tinawanan ko sya.
"Wag mo ng ituloy, wala ka ring mapapala mula sa kin."
Pambabara ko sa kanya.
"Paano pagsinabi ko sayong seryoso ako?" Tinitigan
ko sya, matagal. Tangina, mukhang seryoso nga.
"Lasing ka ba?" The atmosphere between us started getting
awkward. "Tara! Balik na tayo sa loob." Pagiiba ko. I started feeling
uncomfortable.
"Seryoso nga ako, Danny." Tangina naman kasi. Okay
na sana ‘yong biro kanina. Pangit kabonding nito! Lihim akong napamura.
"Lasing ka na nga!" Pilit ang tawa ko. "Tara
na!" Tumalikod ako ngunit bago pa man magsimulang humakbang ang mga paa ko
ay inabot niya ang isa kong kamay. Napahinto ako at napilitang humarap ulit sa
kanya.
Kinakabahan na ako. Sana ay nagbibiro lamang si Ryan dahil
ayokong maging mitsa ito sa paglabo ng pagkakaibigan naming dalawa. "Tara
na please." I beg, may halong takot ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
Natatakot akong marinig ang nais niyang sabihin. Lihim akong nagdasal na sana
ay hindi nito ipilit ang gusto at sumama, na lamang sa akin.
"I like you Danny." Napapikit ako, ito ang
kinatatakotan kong mangyari, ayokong saktan ang damdamin ni Ryan. He's been so
good to me.
"Gusto rin kita bilang kaibigan." Sinubukan kong
magmaang-maangan, ngumiti ako ubang maibsan ang nararamdamang tensyon.
"Gusto kita higit pa r-"
"You're just confuse, okay? Mawawala rin yan kapag
nahimasmasan kana mula sa inimom mong alak. “Tara na, baka hinahanap na tayo sa
loob." Hinila ko siya ngunit nanatili sya sa kanyang kinatatayuan.
"Can't you just give it a try?" Napakamot ako sa
aking panga, gago. Pano ba kami napunta sa ganitong usapan.
"We're friends. Right?"
"You know that I want more than being friends Danny."
"Ry, I hope you will understand that the least I can
give is just friendship, nothing more." I know I was rude but I don't want
to give him false hope just to save him from getting hurt.
" Am I really that hard to love Dan?" Naawa na ako
sa kanya, umiling ako.
"Napakabuti mong tao. Walang hindi magmamahal sayo. It
just, hindi lang siguro ako ang tamang tao para sa’yo. Look around, marami pa
ang mas higit pa, Ryan." I looked up to him. He was staring straight to my
eyes. His grayish eyes were pleading. Nangingislap ang mga mata nito habang
nakatitig sa mga mata ko. Naawa ako pero, ayoko naman isugal ang nararamdaman
ko para lang di ko siya masaktan. " Please don't do this, Ry. I value you,
ikaw pinakaclose ko sa mga boys. I value our friendship-"
"Is there already someone? Sabihin mo na Danny. Patayin
mo na ang pag-asa sa dibdib ko na maging tayo." Umiling ako ulit. Totoo. Sadyang
kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Ryan. "O, di mo lang talaga ako
mahal? Ano bang mal isa akin? Sabihin mo at nang mabago ko. "Yumuko ako. Hindi
ko kayang sumagot habang nakatingin sa kanyang mga mata dahil alam kong lubos
itong masasaktan sa sasabihin ko.
"Mahal kita bilang isang kaibigan Ryan. Wala kang dapat
baguhin. You are perfect just the way you are. Kaibigan lang tagala ang
nararamdaman ko para sa’yo. Hanggang doon lang ang pagmamahal na makakaya kong
ibigay. Sana ay magawa mong respetuhin iyon. I'm sorry."
Tuluyan na akong tumalikod at iniwan ko siya. Kung alam ko
lang na ganito ang mangyayari, sana di na lang ako nagpunta ngunit mapipigilan
ko ba siyang wag ipagtapat ang nararamdaman niya para sa akin? Madelay lang
siguro ngunit di ko mapipigilan itong sabihin sa akin ang gusto ang saloobim
nya.
Tangina naman kasi! Nagawa ko na ngang ayusin ang tampuhan
namin ni Chinny ngunit pumalit naman ang sa amin ni Ryan, mas malala pa.
Bumalik ako sa loob hinanap ko sina Leo. Ginala ko ang mga
mata sa paligin at nang makita ko sila ay agad akong lumapit. Hawak na nga ng
dalawa si Chinny at Diesa na pawang lasing na. Napailing na lamang ko.
They told me na maya-maya ay iuuwi na nila ang dalawa sa
kanya-kanyang bahay. Unti-unti na ring nauubos ang mga ka blockmates ko.
Nagpaalam ako sa dalawa na mauuna na akong umuwi sa kanila and
told them to take good care of the two ladies at sa pagdadrive pauwi. Before
they could ask me about Ryan ay nagsinungaling akong nasa labas si Mommy para
sunduin ako kaya ako mauuna na.
Plano kong mag book ng grab ulit. Ang kapal naman siguro ng mukha ko if magpapahatid pa ako ni Ryan pagkatapos ng nangyari.
Di ko na nakita pang muli si Ryan. ‘Di ko alam kong umuwi na
ba ito o sumunod sa akin sa loob ng bar. Umasa pa rin akong magkaayos kaming
dalawa. Na sana'y hindi maaapektuhan ng nararamdaman nya ang pgkakaibigan
naming dalawa.
Lumabas ako ng A'choholic, naglakad ako hanggang sa may
higway.
Nakatayo ako sa gilid ng daan hawak ko ang cellphone gamit
ang dalawa kong kamay. Tinignan ko ang mapa, kung sa’ng lugar na naroon ang
driver. Nakasulat sa screen na may labing limang minuto pa bago marating ang
kinatatayuan ko.
Habang hinihintay ko ang grab driver na binook ko ay biglang
may humintong itim na mamahaling sasakyan sa may tapat ko. Ibinaba nito ang
salamin sa bintana ng kotse. Agad na kumalabog ang puso ko nang dumungaw ‘yong
lalaking nangharass sa akin kanina sa dance floor sa passenger seat ng itim na
sasakyan. Sa driver seat nama'y kasama ang lalaking kasayaw ni Chinny.
"Miss, hatid ka na namin." Ngumisi ito. Guapo pero
alam mong di mapagkakatiwalaan. Umiling ako at naglakad palayo sa kanila ngunit
sinundan nila ako. Mas bumilis ang kalabog ng puso ko. Wala pa namang masyadong
tao sa pinaghihintayan ko. Napaglingon-lingon ako ngunit wala dalagang napadaan,
lihim akong nagdasal na sana dumating na ang na-book kong Grab Car o
kahit may makita man akong kahit isa na mapapadaan ngunit wala talaga."
Miss sige na, wag ka nang pakipot. Magro-road trip lang tayo. Trip
papuntang langit." Narinig ko ang tawanan nilang dalaga. Sarap murahin,
wala namang nakakatawa, nakakapanindig pa nga ng balahibo. Di ko sila pinansin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, nilakihan ko ang mga hakbang upang di nila
maabutan. Lumihis ako ng daan. Iyong di madadaanan ng sasakyan.
Domuble ang kaba ko nang bumaba ang lalaki sa passenger seat.
Mabilis at malalaki ang mga hakbang nito palapit sa akin. Tumakbo ako ngunit
nahapit nito ang braso ko. Nanlaban ako. Nagsisisigaw. Hinila niya ‘ko palapit
sa sasakyang nakabukas na ang pintuan sa back seat. Nagpupumiglas ako ngunit
malakas ang lalaki, naghahatakan at nahihilahan kaming dalawa. Hinanatak niya
ako papasok ng sasakyan. Amoy ko ang ininom nitong alak.
"No! Let go of me!" Sabay ko sabay hila sa braso
ko, sigurado akong magmamarka ang mga kamay nito sa maliit kong braso. Naiiyak
na ako dahil sa sobrang kaba at tako na nararamdaman ko. Pinaghahampas-hampas ko
ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking braso ngunit tila di ito nakakaramdam
ng sakit. "Ayoko ko nga’ng sumama! Ba’t pa namimilit ka? Bitiw na! Tulong!"
Sumigaw muli ako. Tinakpan niya ang bibig ko.
Napatili na lamang ako ng biglang bumagsak ang lalaki sa
semento. Paglingon ko nakita ko si Cale, nagpupuyos ang loob sa galit. He was dangerously
furious with the bad guy. Nalipat ang tingin ko sa mga kasamahan nito. He was
with the other four of his towering, dashingly, good-looking friends just like
him.