Hindi ako tanga, at kahit sino makukuha ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Zakarius... Pero hindi ko maintindihan kung bakit tila na-blangko ang isip ko. Just relax, Angel. Pretend that you didn't hear that. Yeah, right. Hindi ko dapat ipahalata na narinig ko ang sinabi niyang 'yon. “Okay ka lang, Angel? Kagabi ka pa tahimik,” puna ni Castor saka inabutan ako ng fresh orange juice. Ngumiti na lang ako sa kanya saka ininom iyon. “I'm fine, may iniisip lang,” sabi ko na lang saka pasimpleng tumingin sa paligid. It's already 1 pm, ilang oras din akong nagkulong sa kuwarto. Bakit wala rito sina Cad at Zak? “Naliligo silang dalawa sa dagat.” Natigilan ako at napatingin kay Castor. I raised my eyebrows at him but he just smiled at me and pinched my cheek. “I know you want to ask that.